Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ipapulis daw kapag pumayat ang alaga

18 March 2019

Kamakailan ay gigil na gigil na nag post sa isang online group ng mga bagong dating na OFW si Gigi, dahil sinabihan daw siya ng kanyang amo na ipapupulis siya kapag pumayat ang kanyang mga alagang bata.

May isang pilya na agad nagpayo sa kanya na sabihan din ng amo ng, “ipapapulis din kita kung namayat ako.”

Call us!

Sabi naman ni Gigi, pigil na pigil siyang sumagot dahil dalawang buwan pa lang siya sa mga amo, at ayaw niyang mawalan agad ng trabaho.

Sabat ng isa pang nagpapatawa, “bigyan mo ng pataba sa halaman.” Ang iba naman ang sabi ay nakakaloka ang mga amo dahil kapag tumaba naman ang kanilang mga anak ay pilit pinapadiyeta.

Call now!

Sabi ng isa, kapag pilit naman niyang pinapakain ang alaga, sabi ng amo huwag dahil maliit lang daw ang bituka nito.

Marami naman ang galit sa sinabi ng amo, dahil ang mga magulang daw dapat ang kailangang managot sa kalusugan ng sarili nilang anak.

Call us now!

Sila ang bumibili ng kinakain ng bata, at sila rin ang  may karapatan at katungkulan na disiplinahin ang mga anak para ganahang kumain ng masustansiya at sapat.

May ilan naman na nagpayo na huminahon muna siya at wala pa naman talagang seryosong bagay na nangyari sa kanya. Isulat na lang daw muna niya ang ginawang pagbabanta ng amo, kasama ng petsa at oras at kung sakaling kailanganin niya sa hinaharap ay may maipapakita siya.

Call us now!

Sabi naman ng isa, “baliw ang amo mo!”

Ang grupo ay sadyang itinayo para kahit paano ay maibsan ang dinadala ng mga bagong dating, hindi lang sa mga bagay na may kinalaman sa amo, kundi pati na rin sa mga problemang iniwan nila sa Pilipinas. - DCLM


===

I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!

Call us!
No photo description available.jargonhr@yahoo.com

Call us!
Call us!

Call us!
Call now!
Call us now!
Call us now!
Call us now!
Don't Miss