Marami sa atin ay malayong magkaroon ng sakit na Human Immunodeficiency Virus (HIV)/Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS). Ito ay dahil malayo tayo sa ating asawa, o kaya ay matagal nang nakaburo, ika nga.
Pero marami rin sa atin ang sexually active kahit na nasa Hong Kong. At kung mahilig makipagtalik nang walang proteksyon, maari nating makasalamuha ang isa sa 9,715 na nahawa na sa sakit na ito simula pa noong 1984 sa Hong Kong.
Noon, ang katwiran ng karamihan ay hindi sila mahahawa ng HIV-AIDS dahil hindi sila bakla. Hindi na uubra iyan ngayon.
Ayon sa isang report mula sa Centre for Health Protection (CHP) ng Department of Health ng
Hong Kong, isa sa bawa’t apat (o 22%) na nahahawa sa sakit na ito ay mula sa karaniwan (o heteresexual) na pagtatalik, samantalang lampas sa kalahati (58%) ang nahawa sa pamamagitan ng homosexual o bisexual contact, at kalahating porsyento lang ang nahawa dahil sa injection .
At patuloy itong kumakalat. Sa Hong Kong noong nakaraang taon, halimbawa, nagkaroon ng 624 na bagong kaso ng sakit na ito. Hindi ito malayo sa 681 na nagkaroon ng HIV-AIDS noong 2017.
Sinabi ni Dr. Kerry Chan, isamg consultant (Special Preventive Program) ng CHP, na hindi pa huli matapos makipagtalik nang walang proteksyon (gaya ng condom) sa isang may sakit na ganito.
Ang unang kumunsulta sa eksperto habang maaga. Isa na rito ang pagtawag sa AIDS Hotline (2780 2211). Huwag mahiya. Pwede silang pagkatiwalaan ng iyong sikreto, at sila rin ang makakatulong sa pagkuha ng llibreng HIV test at, kapag nalamang nahawa ka na nga, sa paghanap ng angkop na doktor.
Ayon kay Dr. Chan, kung pababayaan ang impeksyon, ito ay lalala hanggang maging nakamamatay na AIDS sa loob ng sampung taon.
Pero bakit pa hihintaying mahawa? Simple lang namang umiwas: huwag makipagtalik sa hindi mo mapagkakatiwalaan. O kaya ay gumamit ng condom kung hindi ito maiiwasan.
Mas mabuti na ang nag-iingat at umiiwas sa sakit na ito. Iwas na sa gulo, iwas pa sa gasto.
===
BAGO ITO!Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!