Dumating sa Hong Kong si Ruth, 27 taong gulang, may asawa at isang anak na tatlong taong gulang, noong umaga ng Marso 7.
Kinahapunan ay agad siyang dinala ng ahensiya para ipa-medical check-up at pagkatapos ay inihatid sa kanyang amo.
Call us! |
Kinabukasan ay ganoon na lang ang kanyang gulat nang sabihin ng kanyang ahensiya na buntis siya ayon sa resulta ng kanyang pagpapatingin.
Agad tumawag si Ruth sa kaibigang si Minda para manghingi ng payo dahil galit daw ang kanyang amo at ahensiya, at gusto siyang i-terminate agad at pauwiin sa Pilipinas.
Call us now! |
Nagpipilit din daw ang ahensya na bayaran niya ang nagastos ng amo sa kanya.
Sinabihan din daw siya ng ahensya na ipatanggal na lang ang batang nasa tiyan niya, at pagkatapos ay tumira muna ng hanggang tatlong buwan sa ahensiya niya sa Pilipinas bago bumalik ulit sa Hong Kong.
Call us now! |
Nagalit naman si Minda at sinabihan si Ruth na ituloy na lang ang kanyang pagbubuntis at pagkatapos manganak ay saka na lang mag-apply ulit pabalik dito.
Pero ayaw makinig ni Ruth kaya sabi ni Minda, “Di ikaw ang bahala pero isang kasalanan iyon sa Panginoon na walang kapatawaran.”
Call now! |
Pinaalala din niya na labag sa batas ang abortion, sa Pilipinas man o sa Hong Kong.
Umuwi noong Marso 11 si Ruth na hindi sila nagkakakaayos magkaibigan.
Ayon kay Minda, bakit hindi kasi gumamit ng proteksyon si Ruth samantalang alam nitong siya ay aalis, at ayaw din naman niyang magbuntis? – Merly T. Bunda
===
I-TRY MO ITO, KATRIBO!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Mas madali nang tawagan ang mga advertiser natin dito. Pindutin lang ang kanilang ad at lalabas ang automatic dialer. Isa pang pindot ay matatawagan mo ang advertiser na hindi na kailangang i-dial ang numero nila. I-try mo!
Call us! |
Call us now! |
Call us now! |
Call us now! |
Call us! |