Maganda naman kasi ang kanilang samahan, at gamay na niya ang ugali ng mga ito, kaya umasa siya na pipirmahan siyang muli.
Kaya naisip niya na marahil, gusto lang umiwas sa pagbabayad ng para sa long service ang kanyang amo.
Ayon kasi sa batas ng Hong Kong, kailangang magbayad ng amo ng para sa long service kapag nakapagsilbi ang isang kasambahay ng hindi kukulangin sa limang taon at (1) pinutol ng amo ang kanilang kontrata, liban lang kung may mabigat na dahilan katulad ng pagsuway ng kasambahay sa isang makatarungang utos; (2) umabot na sa edad 65 ang kasambahay; (3) hindi na kakayaning manilbihan dahil sa sakit; o (4) namatay ang kasambahay.
Marami sa kanyang mga kaibigan ang nagsabi na ginulangan lang siya ng kanyang amo dahil ayaw nitong magbayad ng long service kung sakali.
Isa sa kanila ang nagsabi na ganoon din ang kanyang sitwasyon, at mukhang gusto lang ding umiwas sa dagdag-bayad ng kanyang amo.
Laking takot naman ni Aurora na baka masira ang inumpisahang pag-iipon at pagpaplano para sa kanyang kinabukasan.
Gayunpaman hindi naman niya tuwirang masabi na ilegal ang ginawa ng kanyang amo dahil naaayon pa rin ito sa batas.
Inisip na lang niya na pasalamat na din siya dahil tinapos ng amo ang kanilang kontrata dahil kung na-terminate siya ay mas lalong problema dahil kailangan niyang umuwi at gumastos na naman para makabalik sa pagtatrabaho sa Hong Kong.
Dahil “finished contract” siya, mas madali siyang nakahanap ng bagong amo, at hindi na siya kailangan pang umuwi muna sa Pilipinas. Gayunpaman, kakaba-kaba pa rin siya hanggang hindi pa siya nabibigyan ng bagong visa. – George Manansala