Nagsimula ang ideyang ito bilang resulta ng libreng check up na ginagawa ng POLO. Nalaman kasi mula sa mga blood test at pagkuha ng blood pressure, na marami sa mga OFW ang may mataas na presyon ng dugo, na pwedeng lumala at maging mitsa ng buhay, o mataas na asukal sa dugo na sintomas ng diabetes.
Marami pang ibang sakit ang nadiskubre sa simpleng check-up na ito. May nadiskubreng may mataas na uric acid, na dahilan ng mga sakit-sakit na kanilang dinaramdam. May nakitaan pa ng cancer na agad pinapunta sa tamang gamutan.
Kung sa mga simpleng pagsusuring ito ay natuklasan ang mga sakit, ano kaya kung gawin itong mandatory para sa lahat? Ito ang pinaka-natural na tanong kung ang may malasakit ka sa mga OFW.
At ano ang pinaka-epektibong paraan na ipatupad ito? Siyempre, gawing requirement ang health check kapag nagprocess sila ng kontrata.
Ang problema nga lang, sa paghahangad ng isang bagay, may nakakaligtaan tayo. Sa kasong ito, nakalimutan natin ang orihinal na layunin. Imbes na maging paraan ito na salain ang hanay ng OFW upang matunton ang nangangailangan ng tulong pangkalusugan, naging banta ito sa kanilang pagpapatuloy ng trabaho.
May kasabihan na, “The fastest way to a destination is not a straight line.” Minsan, mas mabilis makakarating sa puuntahan kung dadaan sa liko-liko. Sa madaling salita, imbes na gawing mandatory ang health check, bakit hindi iba ang gawing mandatory?
Halimbawa, iutos ang health insurance. Ginagawa na ito ng Konsulado ng Indonesia kaya hindi na bago. Siyempre, naroon pa rin ang health check, dahil ito ay kailangan sa insurance na ganito.
Ang layunin dito ay hindi mamatay ang idea. Nakita na natin ang pakinabang nito. Huwag nating pabayaan