Ngunit hindi naging lubos na masaya ang kanyang bakasyon dahil kasama sila sa mga naapektuhan nang humagupit ang bagyong Usman sa mga probinsiya sa Bicol.
Pinasok ng baha ang kanilang bahay sa Nabua, Camarines Sur, at mas masaklap pa, tinamaan ng dengue ang kanyang tatlong anak.
Dahil sa maikli lamang ang bakasyon na ibinigay ng kanyang amo ay napilitan si Irish na iwan sa pangangalaga ng kanyang asawa ang tatlong anak na maysakit.
Mabigat ang loob nang lumipad paalis si Irish, at walang tigil ang pag iyak habang sakay ng eroplano pabalik ng Hong Kong.
Pagpasok ng bahay ng kanyang amo ay nakaupo ang mga ito sa sala at hinihintay ang kanyang pagdating.
Napansin agad ng amo na mugto ang kanyang mata at tinanong siya kung ano ang nangyari.
Hindi na napigilan ni Irish ang maiyak sa harap ng amo na agad yumakap sa kanya. Inalo siya nito at sinabing huwag siyang mag-alala dahil gagaling ang kanyang mga anak, at ito na raw ang gagastos sa pagpapagamot sa kanila.
Napayakap nang mahigpit si Irish sa amo dahil sa kabaitan nito.
Inutusan siya ng amo na magpahinga sandali at kausapin ang pamilya pagkatapos.
Napanatag naman ang kanyang kalooban nang sabihin nito na okey na ang mga bata at magaling na. Sinabihan pa siya ng kanyang bunso na magaling na siya dahil magaling ang Papa niya mag-alaga.
Sa labis na pasasalamat ay maagang nagsimba si Irish pagsapit ng Linggo. Kahit kasi binagyo sila ay marami naman daw biyaya ang bumuhos mula sa langit.
Balak niyang pumirma muli ng kontrata sa amo dahil napatunayan niya kung gaano ito kabait, at bilang ganti na rin sa ipinakita nitong malasakit sa kanyang pamilya.
Si Irish ay 42 taong gulang at naninilbihan sa mga among taga Hung Hom. – Ellen Asis