Pinutol ng kanyang amo ang kanilang kontrata dahil hindi na siya kailangan at ililipat na sa elderly home ang kanyang alagang matanda.
Ito ang dahilan na inilagay ng amo sa kanyang release letter, pero nang mabasa ni Melai ay inisip niyang magmagandang loob at sabihin na huwag iyon ang gawing dahilan ng kanyang amo dahil baka hindi na siya ulit makakuha ng kunyang sakaling mangailangan siya ulit.
Dahil dito gumawa ng ibang kasulatan ang kanyang amo at ang isinulat na dahilan ay hindi sila magkaintindihan ni Melai, at ito ang ipinasa sa HK Immigration.
Nang ipakita ni Melai sa mga kausap ay bigla silang nagulat at sinabi na malamang na mahirapan siyang makakuha ng bagong amo dahil ang lumabas ay siya ang may kasalanan kaya siya na-terminate.
Wala na rin siyang pag-asa na payagang mag process ng bagong kontrata sa Hong Kong dahil ang lumitaw ay may dahilan ang pagka-terminate niya.
Kung sana parang redundant lang siya o hindi na kailangan ang kanyang serbisyo, may pag-asa pa siyang maka process ng hindi na kailangan pang umuwi sa Pilipinas.
Nadismaya man ay hindi na rin nagpilit na naghanap ng bagong amo si Melai dahil pinapauwi na rin siya ng kanyang asawa para magkasama na nilang patakbuhin ang kanilang negosyo.
Si Melai ay matagal nang nagtatrabaho sa Hong Kong pero hindi nakatapos ng dalawang taong kontrata sa pinakahuling amo. - DCLM
View details... |