Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Sinanla kasi ang pasaporte

03 January 2019

Balisa ngayon si Lara dahil hindi alam kung makakakuha siya ng bagong pasaporte para makabalik sa kanyang trabaho sa Hong Kong.

Umuwi siya sa Pilipinas noong ika-15 ng Disyembre para magbakasyon gamit ang travel document na may tatak na visa sa likod.

Wala siyang pasaporte dahil nakasama ito sa mga sinamsam noong Hulyo mula sa isang Intsik na “loan shark” na nambibiktima ng mga Pilipinang kasambahay. (http://www.sunwebhk.com/2018/07/hundreds-of-ofws-left-without-passports.html). 

Nang ipinaalam naman niya sa amo ang nangyari, pinauwi siya nito para makakuha ng bagong pasaporte sa Pilipinas.



Alinsunod sa patakaran kasi ay hindi siya puwedeng mag-aplay para dito sa Hong Kong, kaya binigyan lang siya ng Konsulado ng “one-way travel document” para makauwi ngayong Pasko.



Sa kanyang pagtatanong nakampante si Lara na makakakuha siya ng bagong pasaporte bago ang kanyang takdang pagbalik sa ika-2 ng Enero, pero hindi pala ito ganoon kadali.

Nang magpunta siya sa Department of Foreign Affairs ay sinabi sa kanya doon na walang approval ang Konsulado para bigyan siya ng panibagong dokumento.



Tulirong tinawagan niya agad ang isang kakilala sa Hong Kong para ipakiusap na tulungan siyang idulog ang kanyang kaso sa assistance to nationals section ng Konsulado para hindi na mabalam pa ang kanyang pagkuha ng bagong pasaporte at nang makabalik siya ng matiwasay sa kanyang amo.

Kahit ipinaalam naman niya sa kanyang amo ang nangyari ay natatakot pa rin siyang mawalan ng trabaho kapag hindi makabalik sa takdang araw.



Bukod sa pasaporte, kailangan din niyang kumuha ng OEC para hindi maharang sa airport pabalik sa Hong Kong.

Ilang buwan na ding iniinda ni Lara ang sakit ng ulo na dala ng pagsasanla niya ng pasaporte, kaya payo niya sa mga kapwa OFW ay huwag na huwag nilang isasanla ang kanilang pasaporte para makapangutang.



Si Lara ay tubong Aklan, 42 taong gulang at may dalawang anak. Ang kanyang amo ay taga North Point. - Rodelia Villar
















Don't Miss