Ang problema lang ay sobrang higpit nito pagdating sa paglilinis, lalo na ng kanilang mga bintana.
Walang grilles ang mga bintana kaya hirap na hirap si Marilyn sa paglilinis ng mga ito.
Ginagamitan niya ng glass wiper at spray ang mga ito pero hindi pa rin kuntento ang kanyang amo.
Minsan ay uuwi ito at inabutan si Marilyn ng safety belt at rope na ginagamit ng mga naglilinis ng salamin sa mga matataas na building, at inutusan ang Pilipina na gamitin ito para linisin ang labas ng mga bintana.
Nagulat man ay sinabi pa rin ni Marilyn na hindi niya puwedeng sundin ang utos ng amo dahil bawal sa mga domestic worker ang maglinis ng labas ng bintana kung walang tutuntungang sahig o balkonahe.
Gayunpaman, takot pa rin si Marilyn na ma-terminate dahil hindi niya sinundan ang utos ng amo. Kinausap niya ang isang kaibigan na maalam sa mga karapatan ng mga migranteng manggagawa at sinabihan siya nito na ipakita ang page 4, item no 6 sa kanilang kontrata kung saan malinaw na nakasaad na hindi siya dapat pinapaglinis ng labas na parte ng bintana.
Ayon sa kontrata:
“When requiring the Helper to clean the outside of any window which is not located on the ground level or adjacent to a balcony (on which it must be reasonably safe for the helper to work) or common corridor (“exterior window cleaning”), the exterior window cleaning must be performed under the following conditions:
1. The window being cleaned is fitted with a grille which is locked or secured in a manner that prevents the grille from being opened; and
2. No part of the FDH’s body extends beyond the window ledge except the arms.
Pinayuhan din si Marilyn na ipaalam sa Philippine Overseas Labor Office ang kanyang sitwasyon at magdala ng patunay, katulad ng litrato ng mga bintana na pinapalinis sa kanya.
Sinunod naman ni Marilyn ang mga payo. Ipinakita niya sa amo ang pagbabawal na nakaaloob sa kontrata, at agad naman daw itong tumawag sa kanilang employment agency para itanong ang tungkol dito.
Sinang-ayunan naman ng ahensiya ang kanyang sinasabi, kaya hindi na nagpumilit ang amo.
Laking pasasalamat ni Marilyn dahil hindi na delikado ang kanyang sitwasyon at hindi rin siya napilit na labagin ang itinakdang panuntunan sa kanyang kontrata.
Si Marilyn ay 38 taong gulang, may tatlong anak at tubong Bulacan. - Rodelia Villar
Suportahan po natin ang ating mga sponsor: