Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mga Pinoy, wagi sa taekwondo

25 January 2019

Masayang ipinapakita ng mga nagwagi ang kanilang medalya.

Ni George Manalansan

Laking tuwa ng mga migranteng Pilipino na miyembro ng Royal Eagle Taekwondo Academy nang manalo ang ilan sa kanila sa isang katatapos na kumpetisyon na ginanap sa Fu Heng Sport Center sa Tai Po, New Territories, sa pangangasiwa ng China Hong Kong National Taekwondo Alliance.



Naging panauhing pandangal ang Konsul Heneral ng Korea sa Hong Kong, si Gyu Suk Geon, na nagpahayag ng suporta sa kompetisyong “Taekwondo Color Belt Kyorugi and Hanmadang 2019 Tournament” na ginanap noong  bagong taon



Ayon kay Crisel Calipayan, Master ng Royal Eagle,  ang mga Pilipinong miyembro na nanalo ng medalya ay sina ni Elgie Marzan isang blue belter nakakuha ng gold medal sa 53- 55 category, at ang green blue belter na si Marites Pepe ay nanalo din ng gold medal sa 57- 52 category na nagsanay ng isang taon.



Bronze medal naman ang nakuha nina  Geraldine Besa, isang green belter na walong buwang nagsanay bago sumabak sa laban, at si Helalyn Montales, isang yellow green belter na anim na buwang nagsanay.



Ang isang Indonesian na migrante na nagngangalang Melia at miyembro din ng Royal Eagle, ay nagkamit ng silver medal sa 53- 55 category.

SUPORTAHAN NATIN ANG MGA SPONSOR NATIN

















Don't Miss