Naging masaya naman siya sa bagong grupo at naging lubhang abala lalo na sa buwan ng Disyembre.
Dahil dito ay nagkaproblema siya dahil kailangan niya ng mas mahabang oras sa labas, at malamang na sumabit siya sa kanyang curfew na alas otso ng gabi. May mga kawanggawa ang grupo at kailangan nila ang kanyang tulong.
Dahil maganda naman ang kanyang rason ay inisip niyang magpaaalam sa amo na gagabihin siya ng uwi sa buong buwan ng Disyembre.
Kailangan lang niya ng tiyempo para makausap ang amo nang masinsinan.
Bago sumapit ang Disyembre, araw ng Sabado ay nilakasan na niya ang loob niya. Nilinis muna niya nang maigi ang kusina bago nagpaalam sa amo.
Ganoon na lang ang pagluwag ng dibdib niya nang agad na pumayag ang among babae, at sinabi pa ang. “I want you to be happy because you are a good person and good to us. Enjoy and have fun with your friends on your off.”
Tuwang tuwa si Renita dahil sa wakas ay mas mahaba na ang kanyang oras na makapag enjoy kasama ang grupo at mga kaibigan sa buwan ng kapaskuhan.
Nagpapasalamat din siya dahil naunawaan ng mga amo na ang kapaskuhan ang pinakamahalagang panahon sa buhay ng mga Pilipino.
Si Renita ay tubong Cagayan Valley, dalaga at edad 27 taon gulang ay mag iisang taon at apat na buwan pa lamang sa mga among Intsik na nakatira sa Causeway bay. – Ellen Asis
SUPORTAHAN PO NATIN ANG ATING MGA SPONSOR:
View details... |