Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ang kalusugan mo

12 January 2019

 Kung hindi pa nagkaroon ng libreng test upang malaman ang kanilang blood pressure, blood sugar at iba pa sa ilalim ng Project HealthWise  ng POLO, hindi pa malalaman ng marami sa mga OFW na may problema sila sa kalusugan. At hindi rin natin malalaman na isang health time bomb ang naghihintay na sumabog.



Halimbawa, sa 1,441 na dumaan sa testing, lumabas na 14% ang pre-diabetic (o iyong mataas kesa sa normal ang asukal sa dugo) at 7.63% ang kumpirmadong diabetic — na mas mataas kesa sa 6.2% average na naitala sa Pilipinas.



Sa 1,645 na nagpatingin naman ng blood pressure, 11.24% ang may mataas na presyon, 17% ay may sakit na alta presyon, at 2.5% ang pinayuhang magpatingin agad sa duktor dahil baka bigla na lang silang atakihiun sa puso.

Nakakatakot ang mga bilang na ito, ayon kay Labor Attache Jalilo dela Torre.

Hinihingi niya ngayon sa pamahalaan ng Hong Kong na  idagdag sa mga patakaran nito ang pagsailalim ng mga OFW sa regular na medical checkup. Dahil bago pa lang ang panukala, hindi pa alam kung sino ang dapat magbayad nito, o kung gaano kadalas dapat gawin — kung taunan, o tuwing bawa’t pag-process ng kontrata (o tuwing dalawang taon).

Ano man ang kahihinatnan ng panukalang ito, hindi maikakaila na dapat agkarrion ng agarang aksyon dahil, kung pagbabasehan natin ang mga datos na nakalap ng POLO, isa sa bawa’t 20 na OFW ay may diabetes na unti-unting lumalala at hindi nagagamot, at isa sa bawa’t 50 ay namemeligrong atakihin sa puso.



Kaya sa pananaw ng kalusugang pangmadla, ang iinmungkahing patakaran ni Labatt Jolly ay dapat sangayunan ng mga opisyal ng Hong Kong.

Alam natin na bayad ng gubyerno ang pagpapa-ospital ng maysakit, basta’t may hawak silang HK ID. Kung mapipigilan nila ang pagkalat at paglala ng mga sakit, mas kakaunti ang maoospital, at bababa rin ang kanilang gastos pang-kalusugan.



Pero hindi rin natin dapat kalimutan na nakaatang ang responsibilidad sa ating sarili. Hindi natin dapat iasa sa iba ang ating kalusugan. Dapat tayong sensitibo sa mga nararamdaman natin — iyang sakit sa dibdib, o pagkahilo o paninigas ng kalamnan sa suso ay may kahulugan at dapat gawan ng hakbang.


Suportahan po natin ang ating mga sponsor:
















Don't Miss