Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tulong-pangarap

17 December 2018

Marami ang nangangarap na mag-negosyo kapag umuwi tayo sa Pilipinas balang araw. Pero ilan ba sa atin ang may ginagawa upang makamit ang ganitong pangarap?

Ang marami sa atin, kahit plano ay wala. Kung may plano man, hanggang doon na lang, dahil iniisip nila na wala naman silang pang-kapital.

Pero marami sa atin ay tahimik na gumagawa ng paraan upang mapalapit sa kanilang pangarap. Kumukuha sila ng training mula sa “skills” gaya ng pagmamasahe at paggawa ng tinapa, hanggang sa kaalamang pangnegosyo.



Kalimitan ay libre ang mga pagsasanay na ito. At para sa mga naghihirap na ituro ang maraming paraan sa paggawa ng pera, sapat nang kabayaran ang makitang nagtatapos ang kani-kanilang tinuruan.



Sa 23 taon namin bilang tagamasid ng Filipino community sa Hong Kong, naging saksi kami sa pakikipagsapalaran ng mga OFW, at sa pagtupad ng pangarap ng ilan na mamuhay kasama ang pamilya.

Kaya kapag naaanyayahan kami ng mga grupong gaya ng CARD OFW Foundation Hong Kong, Balikatan, Umela at Diwa’t Kabayan Benlife Society Club upang dumalo sa mga pagtatapos ng kanilang mga trainee, hindi namin pinalalagpas ang pagkakataon na makipag-kuwentuhan. Dito kasi nabubuhay ang pangarap.



At lalo kaming natutuwa na sa mga nagtatapos, may mga patuloy na naghahanap ng dagdag na kaalaman upang maging handa sila sa pagdating ng panahong sila ay dapat nang umuwi.

Kung lahat ng mga OFW na nasa Hong Kong ay gagaya sa kanila, at susundan ito ng milyon-milyong OFW na nagkalat sa buong mundo, mababago hindi lang ang kanilang buhay, kundi ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kanilang kikitain at sa taong mabibigyan nila ng trabaho.



Mabuti at unti-unting nabubuo ang alyansa sa Hong Kong sa pagitan ng mga grupong nagbibigay ng livelihood training at kursong pangnegosyo upang bigyan landas tungo sa mas malawak na kaalaman. para sa mga interesado, at ng gobyerno ng Pilipinas, upang maituro sila sa mga tulong na ibinibigay ng iba’t ibang ahensiya sa mga nangangarap nang ganito.

Malugod naming susundan ang mga mangyayari sa pagbuo ng isang sistemang tunay na makatutulong sa mga OFW na baguhin ang kanilang kabuhayan.







Don't Miss