Kabilang sa kanila si Nenita na nagkaroon ng raket ng hindi sinasadya.
Minsan na nakatambay sila sa may Hong Kong bank ay nakiusap ang isa niyang kaibigan na linisan siya ang kuko gamit ang sarili nitong gamit na panlinis ng kuko.
Nang makita siya ng ilan sa mga nakatambay din doon ay nakiusap na rin silang magpalinis ng mga kuko, kaya hindi nagtagal ay dumami na ang kanyang mga kostumer.
Ang ginagawa lang niya ay tumatambay doon na nakalabas ang kanyang cleaning kit, at lalapit na lamang sa kanya ang mga gustong magpalinis ng kuko.
Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng ilang kostumer si Nenita, na kumikita ng $500 kapag bagong suweldo ang mga kostumer, at mga $300 naman kapag matumal.
Ngunit wala rin natitira sa kinikita niya dahil bawat dumaan na nagbebenta ay bumibili siya, mapa alahas, punda ng unan, kumot, damit at sapatos. Kahit ano ang tinda ng mga dumadaan ay bumibili siya at ipinapadala sa Pilipinas.
Ang resulta, wala din siyang naiipon.
Tuwing umaalis siya pag day off niya ay wala siyang bibit ngunit pagbalik sa gamit ay hindi magkandaugaga sa bitbit.
Napapasabi na lang ang kanyang mabait na amo ng “Oh so many!” kapag nakikita siya sa kanyang pag-uwi.
Lagi naman niyang sinasabi na sa pamilya niya sa Pilipinas ang lahat ng mga binibili.
Minsan nanghihinayang si Nenita sa nawawaldas niyang pera sa kakabili ng mga hindi kailangan, pero iniisip na lang niya na sa raket naman galing ang ginagastos niya at hindi mula sa suweldo.
Gayunpaman, gusto niyang matigil na rin ang bisyo niyang ito para makaipon siya ng mas mabilis at makabalik na sa pamilya. Si Nenita ay 42 anyos ay tubong Pangasinan, may asawa at mga anak. Ang mga amo niya ay Indian na nakatira sa Bonham Road. – Ellen Asis
Suportahan natin ang ating mga sponsor: