Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nalulong sa Mark 6

20 December 2018

Tumataya si Lita sa Mark 6 (Mark 2 noong una) pero mula $10 hanggang $20 lang ang kanyang isinusugal noong una dahil iyon lang ang kaya ng bulsa niya.

Bandang huli, nagdesisyon syang itaas ang taya sa $50 at pinalad naman siyang manalo ng $60,000.

Ginamit niya ang pera sa pagpaayos ng kanilang bahay at pinambayad ng kanilang mga utang.



Pero mula nang maambunan siya ng grasya ay hindi na siya kuntentong tumaya lamang ng $50, umabot na ito una, sa $100 at bandang huli, sa $200 kada taya.

Unti-unti nang nag-alala ang kanyang mga kaibigan sa lakas ng kanyang taya, pero ang lagi niyang sagot ay “Ok lang yan, bawing-bawi naman kapag natiyempuhan mo”.



Pero mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan na hindi na siya muling pinalad kahit palaki nang palaki ang taya niya.

Pati utang niya sa dalawang pautangan ay hindi na niya nababayaran dahil naipantataya na niya ang perang dapat sanang pambayad niya dito.



Nang nag-umpisa na siyang kalampagin ng mga pinagkakautangan ay walang abog-abog na sinesante siya ng kanyang mga amo.

Naiwan niyang luhaan ang isang kaibigan na kahati niya sana sa utang na umabot sa Php200,000 ang halaga.



Sa kabila nito ay hindi pa rin nagpaawat si Lita sa katataya, sa pag-asang susuwertihin siyang muli.

Kahit napauwi na ay nagpapataya pa rin sa mga kaibigan niya na nasa Hong Kong, at ang bayad ay pinapadala sa mga kapamilya ng mga ito sa Pilipinas.

Mabuti na lang at napagtapos naman niya sa pag-aaral ang kanyang panganay, pero ang bunso ay nasa elementarya pa. Si Lita ay 40 taong gulang at nakatira sa Nueva Ecija. – Marites Palma















Don't Miss