Rose Madelyn Marquez |
Ni George Manalansan
Makailang ulit na pagpapatunay sa serbisyong naibibigay ng Card MRI at ng sangay nito na Card Hong Kong Foundation ang nangibabaw sa seremonya ng pagtatapos na isinagawa sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town noong Nob 18.
Kabilang sa mga nagbigay ng testimonya mula sa Pilipinas ay si Rose Madelyn Marquez, Card-MRI Gawad Maunlad National Awardee.
Ikinuwento niya na mula sa inutang niya na Php2,000 mula sa Card MRI ay nag-umpisa siyang magtinda ng mga kakanin, at nang lumago ang kanyang munting negosyo ay naisipan niyang pumasok sa agrikultura. Nang umabot sa Php50,000 ang maari niyang mautang ay bumili na siya ng traktora, hanggang lumawak nang lumawak ang kanyang sinasaka. Ngayon ay may 93 ektarya na ang lupain, bahay at mga sasakyan, pero balak pa rin daw niyang mangutang ng ng hanggang Php8.5million sa Card para patuloy pang palaguin ang kanyang negosyo.
Ang payo ni Marquez, huwag nang hintayin pa na makaipon ng malaki, ang importante ay magsimula na sa balak na negosyo. “Mangutang kayo sa Card,” wika niya.
Irene Fadullo |
“Kami ay nangungutang nang may paglalagyan, hindi yung tipong mangungutang ka para lang ipampasarap sa buhay, sadyang sa negosyo namin inilaan. Sa Card po sila ang talagang dahilan kung saan kami ngayon,” sabi ni Fadullo. “Nagsimula lang kami sa isang oven ngayon ay mahigit 20 na ang gamit naming sa bakery. Maraming salamat sa Card.”
Ang mga nagtapos naman sa financial literacy program ng Card HK Foundation ay ubod din ang pasasalamat sa pagsasanay nilang tinamo, katulad ni Evelyn Tambalos ng Batch 48.
“The chance of learning financial literacy changed my perception in life regarding finances, especially how to spend it wisely. I have goals in my life now, I focus on it and I am firm about it,” sabi niya.
Sa katunayan daw, pagkatapos ng seminar ay nakapag-umpisa sila kaagad ng kanyang asawa ng kanilang sariling food cart business. Ang una nilang binenta ay piniritong manok na tinawag niyang “chicken joy” at nang lumaon ay dinagdagan na nila ng banana cue, fishballs, at iba-ibang pang meryenda.
“Looking forward to having more food carts,” sabi niya.
Payo pa niya, kailangan daw na magkaroon ng kasunduan sa mga kapamilyang naiwanan para hindi sila gagastos ng walang kabuluhan.
Ayon naman kay Josephine Tabcao ng Batch 49 suwerte daw siya dahil naimbitahan ng isang kaibigan na maging parte ng pamilya ng Card.
“Ngayon I am applying what I have learned lalo na sa budgeting at pag-iipon,” sabi niya.
“Being an OFW, kung minsan puro tayo padala at gastos. After the fin- lit seminar, nalaman ko ang distinction ng needs and wants. Mas natuto ako na I- prioritize ang needs at isantabi muna ang wants.”
Kumpisal naman ni Reyna Elevenson ng batch 50, sa loob ng 12 pagtatrabaho niya sa Hong Kong ay wala siyang naipon o investment, at baon pa sa utang. Pero sa loob lang ng tatlong buwan matapos siyang sumali sa financial literacy seminar ng Card, nakikita na daw niya kung saan napupunta ang perang pinaghirapan niya, at nakapag-umpisa na siyang mag-ipon.
“This training has opened the door for an opportunity for us to achieve financial freedom. I will forever hold a part of this training in my heart, it has given me and helped me realized what matters most in life especially when it comes to our finances”, wika niya.
Sambit naman ni Sheila Marie Almine ng Batch 51: “Laking tulong po sa akin ang workshop dahil mas na- motivate ako na mag-ipon. Ang kaalamang natutunan ko ay ibinahagi ko sa ilang mga kakilala dahil talagang na-inspire ako. Nawa’y mas marami pa kayong mabigyan ng kaalaman mabuhay po kayo!”
Para naman kay Sheryl Alalag-Mapandan ng Outreach group, “The seminar gave me a clear idea on how to manage my finances wisely to achieve a better financial situation. It is not an overnight transformation but slowly and surely, we are applying the financial concepts we learned to be better individuals, especially in handling our finances. We pray that you will not tarry, but will continue this program you started. If all OFWs will become debt-free and have secured savings, then we will be very proud to say we are indeed “bayani ng ating bayan.”
Dagdag ni Ma. Elvesa Apostol ng Entrepreneurship group, “Since I plan to go home for good soon my learning especially on entrepreneurship will definitely guide me and give me strength to successfully manage my agriculture business in the Philippines. You cannot be a successful entrepreneur if you don’t know how to plan your business, kaya importante ang pag-aaral natin ng business Planning na itinuro sa atin ng Card Hong Kong Foundation.”