Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Libreng bakasyon sa Japan mula sa alaga

01 December 2018

Ni Ellen Asis

Si Adelaida Valencia na ang nagpalaki sa alaga niyang si Tommy na isa nang artist at professional photographer na naninirahan sa Tokyo, Japan. Naging masaya ang kanilang samahan kaya kahit na matagal nang wala si Aida sa pamilya nina Tommy ay nagpatuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.



Dahil dito ay nalaman ni Tommy na nakatakdang magbakasyon ang dating yaya, at agad niya itong inimbitahan na sa Japan na pumunta.



Hindi na nagdalawang-isip si Aida dahil kasama sa alok ng alaga ang libreng tiket sa eroplano, at pagtira sa bahay nito sa Tokyo.



Paglapag ng eroplanong sinakyan ni Aida ay nandoon na si Tommy para sunduin siya. Dinala siya nito sa kanyang bahay, at tuwing umaga ay pinagluluto siya ng almusal. Naglaan pa ito ng isang araw para ipasyal siya sa Tokyo. Sumakay sila sa bullet train, namasyal sa iba-ibang parke at museum, na labis na nagpasaya sa dating yaya.



Hindi akalain ni Aida na ganoon siya minahal ng alaga, na talagang inasikaso siya katulad ng pag-aasikaso niya dati dito.

Noong maliit kasi si Tommy ay siya lagi ang kasa-kasama nito, at tumayong magulang sa mga panahon na wala ang mga magulang nito dahil sa pag aasikaso sa negosyo.

Laking pasasalamat ni Aida na lumaking mabait at mapagmahal ang batang inalagaan niya at minahal sa loob ng ilang taon.

Si Aida ay tubong Zambales, dalaga, at nagsisilbi sa mga kasalukuyang among Amerikano na naninirahan sa Shau Kei Wan.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:

















Don't Miss