Ang kakaibang tanawin sa Tai Tong |
Ni Marites Palma
Kung inaakala ninyo na ang mga puno na nagpapalit ng dahon
mula luntian, dilaw, hanggang pula ay makikita lang sa mga bansa na nakakaranas ng matinding
taglamig o snow katulad ng Canada ,
Japan
o Amerika, nagkakamali kayo.
Dito sa Hong Kong ay may
isang lugar din na kakikitaan ng ganitong klase ng puno, ang sweet gum, Habang ang mga nakapaligid na punongkahoy ay nanatiling kulay luntian ang mga
dahon, kapansin-pansin ang matingkad na kulay ng mga puno na ito.
Parang “magic”, sabi nga ng mga nakakita na nito.
Parang “magic”, sabi nga ng mga nakakita na nito.
Sa bansang Japan
at Canada ,
nakagawian na ng mga turista na dayuhin ang mga lugar kung saan makikita ang
ganitong kakaibang tanawin kapag papalapit na ang winter, o dili kaya ay
patapos na.
Sa Hong Kong, bibihira pa ang nakakaalam na may ganitong
mala-engkantong lugar kung saan maaaring magkuhanan ng litrato na siguradong
hahangaan ng mga makakakita. Disyembre ang pinakamagandang panahon para bumisita dito.
Hindi na kailangang lumayo pa para marating ang lugar na ito
na tinaguriang Sweet Gum Woods, na nasa Tai Tong sa distrito ng Yuen Long.
Disyembre ang pinakamagandang panahon para bumisita sa Sweet Gum Woods |
Sumakay lamang ng West Rail Line patungong Long Ping
Station, at lumabas sa exit B2. Hanapin ang himpilan ng Bus K66, na siyang dapat mong sakyan para marating ang Tai Tong Shan Road (sabihin sa driver
na dito kayo bababa para makasiguro, pero ito ang pangalawa sa panghuling
babaan). Pagdating sa Tai Tong
Shan Road , maglakad pataas ng mga isa hanggang
isa’t kalahating oras, at mararating na ang Sweet Gum Woods.
Dilaw at pula ang mga dahon ng punong sweet gum |
Tumatakbo ang bus na ito tuwing ika-15 minuto mula 10:30 ng umaga hanggang ika-4 ng hapon papuntang Tai Tong, at ang pabalik naman sa Long Ping station ay mag-uumpisa
mula ala una hanggang ika-pito ng hapon.
Kung marami kayong magkakasama, mas maigi na sumakay na lang ng green taxi mula sa Yuen Long MTR diretso sa
Dahil ang Hong Kong ay
kabilang sa mga lugar na sub-tropical ang klima, karamihan ng mga puno dito ay
naglalagas lang ang dahon bago mag winter, nguni’t hindi nagpapalit ang kulay. Bukod tanging ang
puno ng sweet gum lang na madalas na ihalintulad sa maple tree ng Canada ang
nagkukulay ng matingkad na pula bago tuluyang nalalagas ang mga dahon.
Ang mga dahon ng puno ng sweet gum ay nagsisimulang magbago sa buwan ng Nobyembre
at nalalagas sa Enero, pero sa Disyembre, mula sa kalagitnaan hanggang sa
katapusan, makikita na mapulang mapula na ang mga dahon nito.
Bakit nagbabago ang mga kulay nito?
Ayon sa paliwanag ng mga siyentipiko, ang mga dahon kasi
nito ay naglalaman ng ibat ibang klase ng pigment o kulay: ang chlorophyll na
nagbibigay ng kulay na luntian, ang carotenoids para sa dilaw na kulay, at anthocyanin
para sa pulang kulay. Sa pagbabago ng klima ang mga dahon ay natutuyo at
nalalamigan kaya namamatay ang chlorophyll at naiiwan ang kulay na dilaw at
pula ng mga ito.
Sa mga nagnanais na makakita ng kakaibang tanawin sa Hong Kong sa buwan ng Kapaskuhan, magpunta na sa Sweet
Gum Woods, at siguradong kakainggatan ng inyong mga kaibigan at kaanak ang mga
litrato ninyo na kuha dito.