Kahit kasi apat na taon na siyang nagsisilbi sa kanila ay para pa ring wala silang tiwala sa kanya. Kinukuha pa rin ng amo ang kanyang pasaporte at minsan ay muntik na rin siyang sinaktan.
Natigil lang ito nang sinabi niya ang, “Kung ayaw na ninyo sa akin, i-terminate na ninyo ako at ibalik ang pasaporte ko.”
Nang matapos ang una niyang kontrata ay nag-isip daw siyang lumipat na sa iba, pero naawa sa kanyang alagang bata.
Ayon kay Patsy may mga panahon na mabait naman ang kanyang amo, pero madalas ay madakdak.
Nitong mga nakaraang araw ay mas lalo pa daw lumala.
Kamakailan ay sinabi daw niyang hihiramin niya ang passport niya para makapag-open ng account, pero imbes pumayag ay nagtatalak na naman ang amo, na kesyo hindi niya nilinis nang maigi ang kanilang sasakyan, at kung ano-ano pa.
Lalo pang tumibay ang desisyon ni Patsy nang masama sa isang chat group, at karamihan ng mga kasali ay nagsabi na hindi dapat kinukuha ng amo ang pasaporte ng kasambahay dahil ito ay ilegal.
Ang pasaporte ay pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas, at ito ay pinagkakaloob lang sa may hawak bilang tanda na ito ay isang mamayan ng Pilipinas, kaya hindi puwedeng mapasakamay ng iba.
Napag-isip isip ni Patsy na tama na ang apat na taong pagbibigay sa amo niyang suspetsosa at mareklamo.
Magtitiis na lang daw muna siya hanggang matapos ang kanyang kontrata, at hahanap na ng malilipatan.
Sana daw ay suwertihin na siya sa susunod na amo.
Si Patsy ay taga Capiz, single mother at may dalawang anak. “Pero may bf na po ngayon,” ang bawi niya. Kahit na kasi problemado daw siya ay marunong pa rin siyang magdala ng stress. – DCLM