Pinangunahan ni Robin Padilla, ama ni Kylie, ang 70 guests na kinabibilangan ng malalapit na kamag-anak at kaibigan nina Aljur at Kylie. Naroon din ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco at iba pang anak nila ni Robin na sina Queenie, na tumayong matron of honor, Zhen Zhen, na naging maid of honor at ang bunso nilang si Ali. Kasama ni Robin ang asawa niya ngayong si Mariel Rodriguez at anak nilang si Isabella na naging flower girl sa kasal.
Ang mga kapatid ni Aljur na sina Vin at Allen Abrenica ay parehong groomsmen. Ka-date ni Vin ang matagal na niyang girlfriend, ang Kapuso actress na si Sophie Albert, na kasabay niyang nagsimula sa showbiz sa TV5. Dumalo rin ang kaibigan ni Kylie na si Gabbi Garcia, na kasama ang natsi-tsismis na boyfriend niya ngayong si Kahlil Ramos.
Simple pero elegante ang wedding gown ni Kylie, na gawa ni Mak Tumang, habang naka-checkered suit na terno si Aljur.
Maganda ang naging love story nina Aljur at Kylie, na unang umamin na sila na, noong 2011. Naging off and on ang kanilang relasyon hanggang mag-break sila noong 2014, at parehong nakapag-move on na, hanggang magkita silang muli, at nang lumaon ay ibinalitang sila na ulit noong September 2016. Noong January 2017, ibinalita nila na buntis si Kylie, at ipinahayag na engaged na sila. Noong August 5, 2017, isinilang ni Kylie ang anak nila ni Aljur na si Alas Joaquin Abrenica.
CHERRIE GIL, NAGLABAS NG ACTOR’S ETIQUETTE POST
Halata ang pagka-inis ni Cherrie Gil sa ilang kasamahan sa industriya dahil sa hindi tamang pagtrato sa mga kapwa artista, kaya naglabas siya ng sarili niyang pamantayan na tinawag niyang Actor’s Etiquette.
Ang kanyang post:
“Certain actors’ etiquette are not taught in some acting workshops. And I think they should be. I personally think the ff: and NOT in the order of importance: “NEVER ever kiss me in greeting, out of so called politeness and courtesy, if I don’t know who the hell you are! Introduce yourself first.
“And pllleeeaaasssee don’t call me TITA unless we are blood related”.
“NEVER ever echo the directors’ instructions to your co-actor in the scene”.
“Never TEACH your co actor or tell her/him how he should do the scene or his part unless YOU need something from the actor which would help you in your own process. BUT ask kindly and humbly.
“NEVER look to your cellphone or retouch while blocking/reading a scene
”NEVER LET any actor wait for you when called to the set. ESPECIALLY senior actors
“Art is a collaboration. And there is always room to learn from and grow with one another. So... please throw your effing ugly EGO out the window .
There are various kinds of EGO btw. Learn the difference”. KEEP the good kind which is necessary for creativity and your own preservation of self worth !
“THANK YOU!”
Pahulaan ngayon kung sino sa mga kasamahan niya sa kanyang show sa GMA Network, ang kanyang pinatatamaan. Base sa kanyang post, baguhan pa lang ito kaya hindi niya ito kilala, o hindi rin siya kilala nito.
PINAGHAHANDAAN ANG MMFF 2018
Ngayon pa lang ay naghahanda na ang mga fans ng mga artistang may pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2018. Hinuhulaan na rin kung aling pelikula ang mangunguna sa takilya at kung patuloy pa ring mamamayagpag si Vice Ganda at muling tanghaling “reyna” ng MMFF dahil sa pagiging top grosser ng kanyang mga pelikula.
Ang mga kalahok sa taong ito:
1) Rainbow’s Sunset – Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Sunshine Dizon, Max Collins. Directted by Joel Lamangan
2) Fantastica – Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Bela Padilla, Jaclyn Jose, Maymay Entrata, Edward Barber, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Kisses Delavi, Donny Pangilinan. Director si Barry Gonzales.
3) Jack Em Popoy, The PulisCredibles – Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza. Director si Mike Tuviera.
4) Aurora – Isang horror movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis, sa direksyon ni Yam Laranas.
5) One Great Love – Kim Chiu, Dennis Trillo, JC de Vera, Eric Quizon, Miles Ocampo. Directed by Eric Quizon.
6) Mary, Marry Me – Toni Gonzaga, Sam Milby, Alex Gonzaga, Bayani Agbayani, Melai Cantiveros, Moi Bien. Directed by RC Delos Reyes.
7) The Girl in the Orange Dress – Jericho Rosales, Jessy Mendiola, with special participation of Derek Ramsay, Tuesday Vargas, Maxene Magalona, Luis Manzanao, Jennylyn Mercado at Boy Abunda. Sa direksyon ni Jay Abello.
8) OTLUM – Jerome Ponce, Ricci Rivero, Buboy Villar, Kiray Celis, Michelle Vito, Vito Marquez. Special guests sina Irma Adlawan at John Estrada. Si Joven Tan ang director.
DARNA, LILIPAD NA SA 2019
Ipinahayag ni Olivia Lamasan, managing director ng Star Cinema at Kris Gazmen, head ng Black Sheep ang mga naka-lineup na na pelikula ng ABS CBN para sa susunod na taon nang mag-attend sila sa 2018 Singapore Media Fest kamakailan.
Unang ipapalabas sa January ang pelikulang “Eerie” na pinagbibidahan nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo. Pang- Valentine naman ang bagong Liz-Quen movie, kung saan ay isang UP student ang gagampanan ni Liza Soberano. Ang director nito ay si Antonette Jadaone.
Inaayos na rin daw ng director na si Jerrold Tarog, ang script ng “Darna” upang matapos at maipalabas na ito sa susunod na taon. Si Tarog, na mas nakilala bilang director ng “Heneral Luna” at “Goyo”, ang pumalit kay Erik Matti, na nag-resign sa proyekto dahil sa “creative differences” sa management.
May nakalinya ring follow-up movie para kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, na sa ngayon ay itinuturing na no. 1 love team dahil gumawa ng record sa takilya ang pelikula nilang “The Hows Of Us” na kumita ng mahigit Php600 milyon.
Bukod sa local movies, may gagawin ding international movie ang Black Sheep, ito ang “Motel Acacia” na pagbibidahan nina JC Santos, Jan Bijvoet ng Begium, Bront Palarae ng Malaysia, Vithaya Pansringarm ng Thailand, Talia Zucker ng Australia, at Will Jaymes ng U.S./Australia. Ito ay sa direksyon ng Malaysian director na si Brad Liew.
Ang Black Sheep ay bagong production company ng ABS CBN, na itinatag lang nitong 2018, na ang target audience ay mga millenials. Ang isa pang production unit, ang CineBro Originals ay itinatag naman para sa male audience, kaya asahan nang muling magbabalik ang action films.