Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Volunteer

08 November 2018

Sa unang Linggo mula nang bumalik sa Hong Kong si Labor Attache Jalilo dela Torre, puno ang kanyang opisina maghapon. Hindi lang iyon: bawa’t ilang minuto ay lumalabas ang isang grupo para palitan ng kasunod na grupo. Kaya ang waiting room ay puno rin.
Isa lang ang pakay ng mga grupong ito: gusto nilang payagang tumulong sa mga proyekto ni Labatt Jolly bilang volunteer.

Inabutan namin ang isang grupo ng mga guro mula sa National Organization of Professional Teachers tungkol sa kanilang pagbabalik bilang volunteer sa POLO. Nang lumabas sila, sumunod naman ng mga volunteer mula sa Filipino Nurses Association at Balikatan sa Kaunlaran, na gustong tumulong sa Health-WISE, ang proyektong magbibigay ng libreng pagsukat ng blood sugar at blood pressure sa 18th floor ng Polo-Owwa simula Nov. 4.
Hindi na bago ang pagsugod ng mga gustong tumulong sa POLO.

Nagdadatingan ang mga volunteer sa POLO dahil binuksan ulit sa kanila ang mga pinto nito—na nagpapakitang ang pagtingin sa kanila bilang nakakagulo lang sa operasyon ng POLO ay lipas na.

Noon kasing pinauwi si Labatt Jolly, iba’t ibang grupo ang nag-protesta upang siya ay ibalik para matapos man lang niya ang kanyang tour of duty. Kumalat kasi sa pinauwi si Labatt dahil nilakad ito ng ilang may-ari ng employment agency na apektado sa paghihigpit niya sa kanilang operasyon.
Ang assistant niya na pansamantalang umupo sa posisyon, ay inisa-isa ang mga volunteer at hindi na pinapasok ang mga nakita sa protesta. Isa lang dito ang Domestic Workers Corner, ang grupo ng OFW na nabuo sa pamamagitan ng Facebook upang sila-sila ay magtulungan at magpaliwanagan tungkol sa  mga problema sa pamumuhay sa Hong Kong.
Isinailalim din sila sa screening upang piliin ang mga bibigyan ng ID card, na ayon sa kanya ay utos ng Konsulado. Nang tanungin namin ang mga taga-Konsulado, nalaman naming kasinungalingan ito.
Bakit kasi may mga tao na mas gusto maging kontrabida? Mas mahirap na ‘di hamak ang magtaboy ng mga gustong tumulong, kesa buksan ang pinto upang hayaang tumulong ang mga gustong tumulong.

Suportahan natin ang ating mga sponsor:











Don't Miss