Welfare Officer Nini Clarin |
Ayon kay welfare officer Nini Clarin, mismong ang Employees' Compensation Division ng Labour Department ang tumawag sa isang kaanak ni Luzviminda Simon Pedronan, 54, para itanong kung gusto nitong magsampa ng kaso para makuha ang benepisyong nararapat sa kanilang pamilya.
Tseung Kwan O Hospital |
Ayon sa death certificate, si Pedronan ay namatay sa “spontaneous
intracerebral haemorrhage” o pagdudugo sa loob ng utak, na karaniwan ay sanhi ng
pagputok ng ugat. Hindi malinaw kung ang sanhi nito ay aksidente o isang sakit.
Ayon kay Clarin, naiuwi na ang
bangkay ng OFW sa Pilipinas bago nila natanggap ang tawag tungkol sa pag-iimbestiga ng Labour Department sa kaso.
Ayon sa batas ng Hong Kong, ang isang manggagawa na namatay dahil sa aksidente o sa isang sakit na nagmula sa kanyang pagtatrabaho ay maaring humingi ng bayad-pinsala sa kanyang employer. Ang minimum o pinakamababa na maaring matanggap bilang bayad-pinsala sa pagkamatay ng dahil sa aksidente o sakit na nagmula sa trabaho ay $408,960. Ang pambayad dito ay karaniwan nang nanggagaling sa insurance na dapat kunin ng employer, ayon sa batas.
Bukod dito, dapat panagutan ng employer ang pagpapalibing at gastos sa ospital ng isang namatay na manggagawa sa kabuuang halaga na hindi lalampas sa $83,700.
Makakatanggap din ang pamilya ng nasawi mula sa Overseas Workers’ Welfare Administration ng Pilipinas ng P20,000 para sa pagpapalibing, at karagdagang P200,000 kung aksidente ang sanhi ng pagkamatay, o P100,000 kung hindi.

Ayon kay Clasin, isang kaibigan ng pamilya, si Judelyn Cabasoy, ang umaasikaso
ngayon sa mga papeles na kailangan ng Employees' Compensation Division ng Labour Department, upang makuha ang mga benepisyong itinakda ng batas ng Hong Kong
para sa mga naiwan niya.
Siya ay nakikipagtulungan sa OWWA sa Hong Kong upang makalap ang mga papeles na kakailanganin para sa hinihinging danyos ng pamilya, lalo na iyong mga mula pa sa
Pilipinas.
Ang benepisyong ito ay mapupunta sa pamilyang naiwan ng
nasawi kapag naisumite na ang lahat ng dokumentong kailangan ng Labour Department,
gaya ng mga patunay ng relasyon niya sa mga miyembro ng
kanyang pamilya sa Pilipinas.
Suportahan natin ang ating mga sponsor:
Suportahan natin ang ating mga sponsor: