Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dinale ng dengue

20 November 2018

Matindi ang pag-aalala at kaba ni Dory, 42, at Kapampangan, matapos ma-dengue ang kanyang anak, at pati ang kanyang pamangkin, kapatid at tiyahin.

Ganoon na lamang ang kanyang panalangin na sana ay hindi lumala ang kalagayan ng kanyang mga ito.

Nitong katatapos na buwan ng Oktubre ay lagi na lang dengue ang paksa ng kanyang pakikipag-usap sa mga kamag-anak.



Unang dinapuan ang kanyang kuya na 44 taong gulang, sumunod ang kanyang pamangkin na edad 10, pagkatapos ang kanyang tiya na 65 taong gulang, at nitong huli ay ang kanyang 15-taong anak naman.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga ka grupo sa Hong Kong ay isinawalat niya ang kanyang agam-agam, lalo na ang takot na baka walang gamot sa dengue na mabibili sa kanilang bayan, dahil nagkatakutan nang lumabas ang isyu tungkol sa dengvaxia.



“Ewan ko nga at bakit kung ano-anong mga sakit ang lumalabas ngayon sa atin,” sabi niya. Ni hindi daw niya sigurado kung kagat ng lamok lang ang talagang dahilan nito, at kung saan ito nakuha ng mga tao sa kanilang bahay.



Basta na lang daw nilagnat ang kanyang mga kaanak, at pabalik-balik pa ito. Lahat sila ay kinailangang manatili sa ospital ng tig-isang linggo para maobserbahan, dahil kung lumala ang dengue ay nakamamatay.



Mabuti naman at nang makalipas ang isang linggo ay gumaling na sila kaya pinauwi na sila isa-isa. – George Manalansan

Suportahan po natin ang ating mga sponsor:










Don't Miss