Marami ang nagulat sa balitang ito dahil tila maganda naman ang takbo ng career ng batang actor. Isa siya sa mga bida sa TV series na Los Bastardos na kasalukuyang ipinapalabas sa Kapamilya channel. Ang kanyang inang si Teresa Loyzaga ay nasa Pilipinas na rin at binalikan ang showbiz career. Tahimik din at tila wala nang problema sa kanyang amang si Cesar Montano, na kamakailan ay napag-usapan din.
Ilang beses na ring naging laman ng mga balita si Diego dahil sa pag-post niya sa social media tungkol sa galit niya sa ama, ang naging away niya sa isang Grab driver, ang pagpo-post niya ng mga larawan sa Boracay, ang break up nila ni Sofia Andres- na umani lahat ng negatibong reaksyon mula sa publiko.
Sa kabila ng mga haka-haka, nananatiling tahimik sina Teresa at Cesar tungkol sa kalagayan ng kanilang anak. Balitang dinala nina Teresa at kapatid nitong si Bing Loyzaga si Diego sa isang pribadong lugar upang magpagaling. Pero hindi siguro ito binawalang gumamit ng internet o telepono dahil nag-post na ito ng larawan ng bottled fruit juices.
Noong March 2010, ang panganay na anak na lalaki ni Cesar at half-brother ni Diego na si Christian Angelo ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa kanilang bahay sa Quezon City.
VICTOR MAGTANGGOL, TATAPUSIN NA
Malungkot na ipinahayag ni Alden Richards na magtatapos na ang kanyang TV series na “Victor Magtanggol” sa November 16. Inamin ng aktor na hindi nakaagapay sa ratings ang kanilang show sa kalabang “Ang Probinsyano” ng ABS CBN, na patuloy pa ring namamayagpag sa ere pagkatapos ng mahigit dalawang taon. Pero hindi raw totoo ang tsismis na sadyang sinibak na lang ang show dahil dito. Nabuo naman daw nila ang full season, na dapat ay ipapalabas lang ng 13 linggo, pero pinapirma rin sila ng extension contract.
Naisip din daw ni Alden na pakiusapan ang mga bosses ng GMA 7 na i-extend ang show dahil naawa siya sa staff at crew na mawawalan ng trabaho, kung kailan magpapasko pa naman. “Kaya lang po, ang daming factors na kinunsider, ‘yung show po kasi na darating, ready na po, tapos ‘yung bakasyon ko rin po sa family, hindi ko na mai-move. Saka ‘yun lang din po ‘yung day na napaalam ko sa GMA, last year pa po, actually,” ang paliwanag pa ni Alden. Nakatakdang magbakasyon si Alden kasama ang buong pamilya sa Los Angeles, California sa December.
Gagawa daw siya ng pelikula sa first quarter ng 2019. Gusto rin daw niyang masubukang makagawa ng indie film, pero sa ngayon ay wala pang offer. Baka sa second quarter na raw siya muling gagawa ng teleserye, at sana raw ay drama naman dahil nami-miss niya ito.
MARIAN, PAHINGA MUNA SA PELIKULA
Ipinagpaliban muna ni Marian Rivera ang paggawa ng isang horror film na nakatakda sana niyang umpisahan sa buwang ito, dahil buntis siya. Kinausap daw niya ang management team niya na Triple A na hindi muna siya gagawa ng pelikula, lalo na kung horror film ito, dahil baka makasama sa kanyang kalagayan, at baka pagsisihan niya ito.
Nong July 2018, ipahayag ni Rams David, manager ni Marian, na muling mapapanood sa pelikula si Marian kung mapipili itong kalahok sa Metro Manila Film Festival. Pero dahil nabuntis nga siya, na masayang in-announce nila ng asawang si Dingdong Dantes noong September, nabago ang kanilang mga plano. Isa na rito ang pag-urong ni Dingdong ng kanyang pagtakbo sana sa susunod na eleksyon, dahil kailangan niyang alalayan ang kanyang asawa sa kanyang kalagayan. Ayaw daw niya itong ma-stress ng dahil sa pagsabak niya sa pulitika.
Sa ngayon ay abala pa rin naman si Marian sa kanyang regular shows na Sunday PinaSaya at Tadhana, at may mga product endorsement din siyang ginagawa. Bukod dito, hands-on mom siya sa kanyang anak na si Zia, na magta-tatlong gulang na sa Nov. 23. Huling napanood sa pelikula si Marian noong 2016, sa isang guest role sa pelikulang “Imagine You And Me”.
Samantala, sinabi ni Marian na malakas siyang kumain ngayon sa kanyang pangalawang pagbubuntis, hindi kagaya noong una. Nakakahiligan daw niyang kumain ng maaasim gaya ng kamias at manggang hilaw. Sa tanong kung babae o lalaki ang kanilang magiging anak, sinabi niyang magkakaroon sila ng gender reveal party sa buwang ito, pagkatapos ng check-up niya sa kanyang doctor. Gusto muna daw nilang makasiguro bago ito i-share sa publiko.
MAINE AT ARJO, MADALAS MAGKASAMA
Muling namataan sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na magkasamang nanood ng concert na Karpos Live sa Vertis Tent, Vertis North sa Quezon City noong November 8. Bago ito, nakunan sila ng mga larawan sa isang resort sa Bali, Indonesia noong Halloween break.
Magkasama sina Maine at Arjo sa pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” na entry sa Metro Manila Film Festival, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Vic Sotto. Tila dito nag-umpisa ang pagkakaibigan ng dalawa dahil ilang beses pa silang nakitang magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Quezon City, at sa isang bar sa Bonifacio Global City.
Wala pang inaamin ang dalawa kung may namumuong relasyon sa kanila, pero kinumpirma kamakailan ng dating girlfriend ni Arjo na si Sammie Rimando ng grupong GirlTrends, na break na sila.
Ang kapatid naman ni Arjo na si Ria Atayde ang nagtatanggol sa kanyang kuya sa mga bashers o fans ng AlDub na galit na ma-link ang kanilang idolong si Maine kay Arjo o kaninuman, maliban kay Alden Richards. Ang tweet ni Ria: “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want. And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re for.”
Wala raw sinasabi si Arjo sa kanya, pero alam daw niyang masaya ito ngayon.
HIMIG HANDOG WINNERS
Panalo ang awiting “Sa Mga Bituin na Lang Ibubulong” bilang Best Original song sa katatapos na Himig Handog 2018. Ito ay nilikha ni Kyle Raphael Borbon, at inawit ni JM de Guzman. Sa finale na ginanap sa ASAP noong November 11, si Jason Dy ang nag-perform ng awitin, dahil maysakit daw si JM, kaya hindi nakadalo. Tumanggap sila ng cash prize na Php1 million bilang grand prize winner.
Ang sampung finalists na nag-perform sa ASAP ay ang mga sumusunod: “Tinatapos Ko Na” (composer: SJ Gandia, interpreted by Jona) ; “Wala Kang Alam” (composed and arranged by Mel Magno and Martin John Arellano and interpreted by Sam Mangubat); “Dalawang Pag-ibig Niya” (composed by Bernard Reforsado and interpreted by Sheena Belarmino & Krystal Brimer with MNL48); “Mas Mabuti Pa” (composed by Mhonver Lopez and Joanna Concepcion and interpreted by Janine Berdin); “Hati Na Lang Tayo Sa Kanya” (composed by Joseph Santiago and interpreted by Eumee); “Sugarol” (composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal); “Sa Mga Bituin na lang Ibubulong” (composed by Kyle Raphael Borbon and interpreted by Jason Dy); “Wasakan” (composed by Philip Arvin Jarilla and interpreted by Agsunta); “Para sa Tabi” (composed by Robert William Perena and interpreted by Boyband PH), at “Kababata” (composed by John Michael Edixon, and interpreted by Kritiko ft. Kyla).
Ang ibang mga nanalo:
Best Original Song: ”Sa Mga Bituin na lang Ibubulong”
Second Best Song: ”Wakasan”
Third Best Song: ”Kababata”
Fourth Best Song: ”Mas Mabuti Pa”
Fifth Best Song: ”Tinatapos Ko Na”
Special Awards
M.O.R 101.9’s Choice: ”Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
One Music PH’s Choice for Favorite Interpreter: Sam Mangubat for “Wala Kang Alam”
TFC’s Global Choice of Favorite Song: “Sugarol” composed by Jan Sabili and interpreted by Maris Racal
Star Music Listener’s Choice: “Mas Mabuti Pa” composed by Mhonver Lopez and Joanna Concepcion, and interpreted by Janine Berdin
Best Produced Track / Music Producer’s Award: “Tinatapos Ko Na” composed by SJ Gandia and interpreted by Jona
MYX Choice for Best Music Video: ”Sugarol” directed by John Leo Garcia
YAM, KINAIINISAN SA “HALIK”
Laging napag-uusapan ngayon ang hit TV series na “Halik” dahil sa ipinapakitang husay ng mga artista na sina Yam Concepcion, Yen Santos, Sam Milby, at lalo na si Jericho Rosales, na consistent sa pagiging mahusay na aktor.
Lumabas ng husto ang natatagong husay ni Yam bilang isang palabang kerida na si Jade, dahil nasanay na mga dating nakapanood sa kanya sa mga roles niya na laging tahimik, at mabait. Ang dating napapanood na mahinhin na si Yen Santos bilang si Jackie, ay naging palaban din bilang asawa na niloko at ipinagpalit sa kerida.
Si Sam Milby, na nakasanayang napapanood bilang good boy, ay kinainisan ngayon bilang si Ace, ang asawang manloloko at nangangaliwa. Nagbunyi ang mga masugid na sumusubaybay sa palabas nang bugbog –sarado ang inabot niya kay Lino (Jericho) matapos siyang mahuli na kahalikan ang asawa nitong si Jade sa isang bar.
Marami pang eksenang susubaybayan sa “Halik” na patuloy na tinatangkilik dahil marami raw sa mga manonood ang nakaka-relate dito sa tunay na buhay.
Suportahan natin ang ating mga sponsor: