Isang masaya at di makakalimutang salo-salo ang naganap noong ika-11 ng Nob sa Repulse Bay Beach upang ipagdiwang ang unang anibersaryo ng Group of Hikers HK na pinamunuan nina Nora Pagaduan at Jessie Quevedo.
Tinatayang nasa 90 katao ang dumalo na nanggaling sa iba’t ibang grupo, kabilang ang The Adventurers, Sexy Lady Hikers, Eggstreamers, Filipina Extreme Hikers at Ultimate Survivor Philippines.
Panauhing pandangal at tagapagsalita si Liza Avelino, isang OFW na sumikat bilang mountaineer, at kamakailan lamang ay tagumpay na inabot ang tuktok ng Mt Kilimanjaro, ang pinakamataas na bundok sa Africa.
Nagbigay siya ng mga payo, papuri at panghihikayat sa lahat na ipagpatuloy nila ang gawaing tumulong sa mga nangangailangan.
Nagdagdag-kulay sa okasyon ang labanan ng mga muse na nakapang-halloween ang kasuotan. Itinanghal na nanalo ang Wonder Woman ng Ultimate Survivor Ph.
Sa palaro, ang bawat grupo ay binuo mula sa pinaghalong grupo ng mnga hiker dahil layunin nito ang maging masaya at magbahagi ng magandang relasyon sa pagitan ng bawat grupo.
Ang mga laro at mga nagsipagwagi:
Dodgeball
Champion: Group D
1st: Group A
2nd: Group C
3rd: Group B
Sack race
Champion: Group D
1st: Group A
2nd: Group C
3rd; Group B
Relay
Champion: Group A
1st: Group D
2nd: Group C
3rd: Group B
Tug of War
Champion: Group A
1st: Group D
2nd: Group B
3rd: Group C
Ang bawat isa ay nakatanggap ng medalya ayon sa kanilang sinalihang laro. Umuwing may ngiti ang lahat na dumalo dahil dito.
Nagdaos din ang The Adventurers ng munting proyektong “Hotpot and Coffee for a Cause” na mapupunta ang kalahati ng kinita sa “Alkansya for Bethune House”.
Patuloy pa ring tumatanggap ng donasyon ang grupo para ihatid sa alkansya ng Bethune. Para sa mga katanungan tungkol sa proyekto, maari lang na tawagan ang Bethune House sa 2522 8264. – contributed by Analyn Soriba
Suportahan po natin ang ating mga sponsor: