Buo na ang walong pelikulang ipapalabas sa 44th Metro Manila Film Festival (MMFF) simula sa December 25, matapos matukoy ang apat na huling kalahok.
Ang mga pelikulang nadagdag:
1. Rainbow’s Sunset (family drama), Likhang Silangan Entertainment. Starring: Eddie Garcia, Tony Mabesa, Gloria Romero, Sunshine Dizon, Tirso Cruz III, Aiko Melendez. Director: Joel Lamangan
2. One Great Love (romance), Regal Entertainment. Starring: Kim Chiu, Dennis Trillo, JC de Vera, Miles Ocampo, Marlo Mortel. Director: Eric Quizon
3. Mary, Marry Me (rom-com), Ten 17P Films. Starring: Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Sam Milby. Director; RC Delos Reyes
4. Otlum (horror), Horseshoe Studios. Starring: Ricci Rivero, John Estrada, Jerome Ponce at Buboy Villar. Director: Joven Tan
Balitang naging mahigpit at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagpili para sa huling puwesto, na nakuha ng Otlum, laban sa pelikula ni Brillante Mendoza na “Alpha (The Right To Kill)”.
Nauna nang pinili noong June 30 ang apat na pelikula na ang pinagbasehan lang ay ang isinumiteng scripts. Ito ay ang “Aurora” ng Viva Films (starring Anne Curtis), “Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya” ng Star Cinema/ Viva Films (starring Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Maris Racal, Loisa Andalio), “ The Girl in the Orange Dress” ng Quantum Films/ MJM Productions (starring Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Sam Milby, Tom Rodriguez) at “Popoy En Jack: The Puliscredibles” ng CCM/MZET/ APT Entertainment, starring Vic Sotto, Coco Martin at Maine Mendoza.
Ang mga pelikulang hindi pinalad na mapili ay ang mga sumusunod:
Regal - Barang (horror) ,
Reality Entertainment - Fake Korean / Ultimate Oppa (rom-com)
Cobalt Productions - Hawa (horror),
Cape Signal Rock - The Stranger (action)
The Idea First Company - Hating Gabi (horror),
Imus Productions - Agimat, My Super Kap (action adventure),
Great Czar Media Productions - The Covenant: a Monad Shoal Legend (action fantasy)
Cineko - Mang Kepweng Returns Again (comedy),
Octoarts - Pagkagat ng Dilim (horror)
Star Cinema ABS-CBN Productions - EERIE (horror mystery),
Star Cinema ABS-CBN Productions - The Affair (drama),
Provill Studios: General Admission (dark comedy),
Quantum Films/MJM: Always (light drama),
APT Entertainment: Balon (horror drama)
Gallaga & Reyes Films / Brightlight Prod: Magicland (fantasy adventure),
Obtacinema & Cineko: Gulong ng Palad (drama),
T Rex Entertainment: Class of 2018 (horror thriller)
Ang naging pamantayan sa pagpili ng mg kalahok ng selection committee na pinamunuan ng National Artist na si Bienvenido Lumbera ay artistic excellence (40%), commercial appeal (40%), promotion of Filipino culture & historical value (10%) at global appeal (10%).
KASAL NINA CESAR AT SUNSHINE, ANNULLED NA
Napasigaw sa tuwa si Sunshine Cruz noong Sept 18 nang matanggap ang balita na tinanggap ng korte sa kanyang petisyon na ma-annul ang kanyang kasal kay Cesar Montano.
“ Sa sobrang saya ko ngayon, lahat ng kaaway ko, kahit yung mga may utang sa akin, patatawarin ko! Ngayong araw lang, ha!” ang sabi ni Sunshine sa mga reporters ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nang bisitahin siya at kapanayamin noong araw na iyon.
Engrande ang naging kasal nila noong September 14, 2000 dahil pareho na silang sikat na artista noon. Si Sunshine na isang singer at dating sexy actress ay 23 taong gulang lang noon, at si Cesar na 38 naman ay sikat na bilang isang dramatic actor. Pero ayon sa aktres, pagkatapos pa lang ng kasal ay nagsimula na ang kanilang away. Sa galit daw ni Cesar ay itinapon pa nito ang kanyang wedding ring habang nasa Carribean cruise sila para sa kanilang honeymoon.
Nasundan pa ito ng marami pang mga pagtatalo sa loob ng 18 taon nilang pagsasama, na ilang beses ding nauwi sa demandahan. Hinding-hindi rin daw malimutan ni Sunshine na tinawag siyang “porn star” ni Cesar at pinaratangan na totoong nakipag-sex sa lahat ng mga nakapareha niya sa kanyang mga pelikula. Sinagot daw niya ito ng, “ kahit balatan mo ako, kahit itapon mo ako sa dagat, wala akong aaminin, kasi hindi totoo”.
Si Cesar daw ang una niyang boyfriend at totoong minahal niya ito ng husto, lalo na at napaka “guwapo” nito.
Ayon sa abogado ni Sunshine, naranasan ng aktres ang halos lahat ng klase ng pag-aabuso: physical, psychological, emotional, financial.
Dagdag ni Sunshine, kabilang sa madalas daw nilang pag-awayan ang pagkakaugnay ni Cesar sa iba’t ibang mga babae, gaya ng Brazilian model na si Mariana del Rio, na noon ay 16 gulang lang. Ilang beses daw siyang nag-alsa balutan tuwing mag-aaway sila, pero nagdesisyon siyang tuluyan nang makipaghiwalay kay Cesar noong 2013, nang ma-link ito sa starlet na si Krista Miller, at natunghayan pa ng mga anak nila ang mga larawan ng dalawa sa telepono ng actor.
Sangkot din sa away nilang mag-asawa ang kapatid ni Cesar na si Ched na kinasuhan ng aktres ng paninirang puri dahil daw sa pagsasabi nitong pinalayas ni Sunshine ang ina nila at ang panganay na anak ni Cesar na si Angela (anak niya sa namayapang unang asawa) sa kanilang bahay. Ang mas masakit pa ay ang pagkakalat daw nito ng tsismis na hindi anak ni Cesar ang bunso nilang anak.
Bukod sa patung-patong na kaso sa paglabag ng kasong anti violence against women and children at anti child abuse act noong July 2009, January 2013 at May 2013, sinampahan pa ng kasong rape ni Sunshine si Cesar noong pinuntahan siya nito sa bahay na tinitirhan nilang mag-iina noong Feb. 2, 2015, at pinilit daw na makipagtalik. Muli niya itong inireklamo noong November 2016, nang magsumbong ang mga anak niya na nakita daw nila itong nag ma-masturbate habang nasa loob ng kanyang silid ang kanyang mga anak at nanonood ng TV.
Hindi pa rin tapos ang lahat ng mga kaso sa pagitan nila, pero sa ngayon ay masaya na raw si Sunshine dahil nakamit na niya ang kanyang kalayaan at masayang namumuhay sa bahay na napagsikapan niyang binili, kapiling ang mga anak niyang sina Angelina Isabelle, 17, Samantha, 14 at Chesca, 12. Maligaya rin siya sa boyfriend niyang si Macky Mathay, na kasundo rin ng kanyang mga anak.
CELEBRITIES NA KANDIDATO
Isa-isa nang naglalabasan upang mag-file ng kandidatura ang mga celebrities na tatakbo sa susunod na eleksyon. Isa sa mga nauna rito sina Freddie Aguilar na kakandidatong senador; Vilma Santos –reelection bilang kongresista ng bayan ng Lipa, Batangas; Roderick Paulate, bilang vice mayor ng Quezon City, at ka-tandem ni Ismael “Chuck” Mathay (ama ni Ara Mina) na tatakbong mayor.
Kasama naman ni Gian Sotto, na tatakbong vice mayor din ng Quezon City, ang kanyang amang si Sen. Tito Sotto nang mag-file ito ng candidacy, at ang kapartidong si Joy Belmonte, na tatakbong mayor, bilang kapalit ni Herbert Bautista na nasa huling termino na.
Si Isko Moreno naman ay nagbitiw bilang Undersecretary ng DSWD upang tumakbo bilang mayor ng Maynila, kalaban ang kasalukuyang nanunungkulan na si Joseph Estrada, 81, at dating alkalde na si Alfredo Lim, 88. Kapartido ni Isko si Yul Servo na tatakbo muli bilang kongresista.
Ang apo ni Joseph at anak ni Jinggoy Estrada (na muli ring tatakbo bilang senador) na si Janella Estrada ay tatakbong mayor ng San Juan, samantalang ang anak niya kay Laarni Enriquez na si Jerika Ejercito ay kakandidato bilang konsehal ng Maynila.
Si Lani Mercado ay muling tatakbo bilang mayor ng Bacoor, Cavite. Hindi pa alam kung muling tatakbo bilang senador ang kanyang asawang si Bong Revilla, na kasalukuyan pang nakakulong; at ang anak nilang si Jolo Revilla, bilang vice governor naman ng Cavite.
Sinamahan naman ni Sharon Cuneta ang kapatid niyang si Chet nang mag-file ito ng candidacy bilang mayor ng Pasay City, ang dating puwesto ng kanilang namayapang amang si Pablo Cuneta na nanungkulan ng mahabang panahon.
HARLENE AT ROMNICK, HIWALAY NA
Marami ang nagulat nang lumabas ang balita na hiwalay na ang mag-asawang sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, pagkatapos ng 19 taong pagsasama. Isang joint statement ang inilabas nila, sabay ng pakiusap na igalang ang kanilang privacy:
“An appeal for privacy. Romnick and I have five beautiful children, whom we love and treasure very much - we have spent many years together as best friends and partners in everything that we have done. Even more so in raising our family. We will always be great friends if not the best of friends.
With the greatest respect and mutual love, wanting nothing but happiness for each other we have decided to part ways. We would like to appeal for privacy, for our children and for each other as well.
Being public figures, we know that this will not go unnoticed—and we didn’t want speculations, rumours and gossips to destroy the wonderful memories we share, the peace that we continue to have as best friends. We both decided that it would be best to issue a statement, in an intention to let this be the first and last time that we talk about it.
Neither he nor I wish to speak at length about the matter, seeing as to how we had been able to keep the fact for as long as we have. We request that our individual supporters, friends and family refrain from making comments or issuing statements that may hurt or offend not only ourselves, but most importantly our beloved children.
We thank you, for the prayers and support— and most of all for respecting our wishes.
God bless you.”
Tatlong beses ikinasal sina Romnick at Harlene. Una, sa isang civil wedding ceremony noong 1999, sumunod sa isang church wedding noong 2000 sa may U.P., at pangatlo, sa Las Vegas, Nevada noong 2002 bilang renewal of vows.
Sila ay nagkakilala sa TV show ni German Moreno na “That’s Entertainment”, kung saan ay sumikat si Romnick bilang katambal ni Sheryl Cruz. Nang naghiwalay sila ng landas at nagpunta ng Amerika si Sheryl at nakapag-asawa, nagkalapit sina Harlene at Romnick, at tuluyan nang nagpakasal. Pinili nina Harlene at Romnick ang mas tahimik na buhay upang masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak. Nagtayo sila ng negosyo, kabilang na rito ang restaurant na Salu, na naging venue ng reunion nila ng mga kasamahan sa That’s Entertainment ilang buwan pa lang ang nakalipas.
Pero, dahil isang mahusay na aktor mula pagkabata, (una siyang nakilala bilang si Peping sa TV series na Gulong ng Palad) hindi matanggihan ni Romnick na balikan ang pag-arte paminsan minsan sa mga indie films at ilang TV shows. Kasalukuyan siyang napapanood sa tv series na “ Halik” na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Sam Milby, Yen Santos at Yam Concepcion.
Si Harlene na isa ring mahusay na movie, TV at stage actress ay matagal nang hindi humaharap sa kamera. Sa halip, lagi siyang nakasuporta sa kapatid niyang si Herbert Bautista, na mayor ng Quezon City.
Umaasa ang kanilang mga kaibigan at fans na maaayos pa ang kanilang pagsasama.
LOTLOT, IKAKASAL SA DISYEMBRE
Tuloy na tuloy na ang kasal ni Lotlot de Leon sa kanyang Lebanese boyfriend na si Fadi El Soury sa December 17. Gaganapin daw ito sa isang resort/events place na pag-aari ng pamilya ni Pia Guanio.
Kasama siyempre sa entourage ang lahat ng anak nina Lotlot at Ramoncito Gutierrez na sina Diego, na siyang maghahatid sa kanya sa altar; at maid of honor naman ang mga dalaga niyang sina Janine, Jessica at Maxine.
Balitang dadalo rin ang tatlong kapatid ni Lotlot sa American father niya, na manggagaling pa sa Amerika. Inaasahan din ang pagdalo ng adoptive parents ni Lotlot na sina Nora Aunor at Christopher de Leon.