Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tumakas sa gabi bago ang day off

10 October 2018

Naging malaking usapin sa mga miyembro ng grupong Domestic Workers Corner ang Facebook post ni Jhay Mari kamakailan kung saan ikinuwento niya ang isang Pinay na na-terminate ng amo kaagad matapos mahuli na tumakas noong nakaraang gabi.

Hindi nagbayad ang amo ng isang buwang suweldo kapalit ng abiso, kaya hinamon ng Pinay na magkita na lang sila sa Labour Department, na sinagot naman ng amo ng kaparehang hamon.

Sabi ni Jhay, hindi siya kontra sa mga may boyfriend sa Hong Kong, pero kung minsan ay ito daw ang nagiging dahilan kung bakit tumatakas sila ng Sabado ng gabi. “Wag nyo po gawin yan dahil pananagutan po tayo ng amo. Bukod sa delikado baka may mangyari sa inyo, kawawa naman yong amo na akala eh nasa room ka na natutulog yon pala nag party party ka na? Minsan yan nagiging reason bakit nagiging mahigpit ang ibang amo dahil yong nauna sa atin gumagawa ng di maganda,” sabi niya.

Pinayuhan din niya ang mga kapwa kasambahay na hindi lahat ng tineterminate ng biglaan ay kailangang bayaran ng isang suweldo, dahil kumporme daw iyon sa dahilan. “Gaya nyan na tumakas, tama ba yon?”

May isang nagsabi na 24 oras dapat ang day-off ng isang kasambahay kaya pwede nang bumaba pagpatak ng hatinggabi ng Sabado, pero agad siyang sinabihan ng marami na hindi ito tama dahil kailangan pa ring may permiso ang paglabas niya sa bahay ng amo, lalo na at disoras ng gabi.

Sabi pa ng isa, hindi naman malaking kaso ang magpaalam ng mabuti sa amo, bakit hindi gawin?

Sa bandang huli ng kanyang post, nagpaalala si Jhay: “Be responsible din po.. pumunta tayo dito para sa work kaya wag sana gumawa ng ikakasira ng trabaho. Sayang po yong paghihirap nyo ng pag-aaplay pagod at yong mga nagastos kung mapupunta lang sa wala, di ba?” – DCLM

Don't Miss