Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Tanggap na niya ang kahihinatnan

10 October 2018

Isa si Lorna sa mga Pilipinang kasambahay na sinawimpalad na dapuan ng kanser. Noong una ay ayaw siyang payagang makauwi ng kanyang amo para daw magpagamot muna siya sa Hong Kong, at kung kakayanin ay sa Amerika.

Pero habang sumasailalim siya sa chemotherapy ay lumipat sa mas malaking bahay ang kanyang mga amo, kaya hindi niya napigilan na tumulong sa pag-aayos. Ramdam na ramdam daw niya ang pagkapagod sa maghapon dahil dito, kaya kahit malakas pa rin ang kanyang loob ay kitang kita naman ang malaking ibinagsak ng kayang katawan.

Nang hindi na niya makayanan ang nararamdaman ay siya na ang nakiusap sa amo na payagan na siyang umuwi sa Pilipinas para makasama naman niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa mga nalalabing araw niya sa mundo.

Hindi na siya pinigilan ng mga amo niya dahil mukhang hindi na rin kayang magamot ang kanyang karamdaman. Nasa Pilipinas na sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay si Lorna ngayon, at ipinasa Diyos na lamang daw niya ang kanyang hinaharap. – Marites Palma

Don't Miss