Dahil bagong salta lang siya sa Hong Kong, hindi pa niya kabisado ang mga lugar. Bukod kasi sa maraming aktibidad sa labas ng paaralan ay nasa malalayong lugar pa daw ang mga pinupuntahan ng alaga, kaya hirap siya.
Malaking tulong sana kung magagamit niya ang Google para matunton ang mga lugar na pupuntahan, pero hindi siya pinapayagan ng amo na gumamit ng mobile phone habang nagtatrabaho. Kaya nang sitahin siyang muli ng amo ay sinabi ni Rosa na ang totoong dahilan ay lagi siyang nawawala tuwing pinupuntahan ang alaga sa kanyang mga pinapasukan. Makakatulong daw sana kung may cellphone siya para magamit ang google maps, bukod sa maaari din niya itong gamitin kapag may emergency.
Medyo nahimasmasan ang amo sa kanyang sinabi, kaya pinayagan na rin siyang gumamit ng cellphone. Mula noon naman ay hindi na rin siya nawawala. Si Rosa ay 35 at taga Davao, may asawa at apat na anak, at kasalukuyang naninilbihan sa mga among Intsik sa Yuen Long. – Marites Palma