Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bumagsak ang presyon ng dugo

15 October 2018


Si Tricia Sallaya 26, taga Isabela ay isinugod sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chaiwan noong Set. 3  matapos  manlambot sanhi ng  pagsusuka.

Ayon mismo sa kanya nangyari ang insidente bandang alas 5 ng hapon matapos silang mag-swimming na magkakaibigan sa Big Wave Beach sa Shek O. Mabuti at agad naman daw nakatawag ng ambulansiya ang kanyang mga kasama.

Kaya pala ganoon na lang daw ang kanyang panghihina, dahil bumagsak sa 69/ 49 na lang ang presyon ng kanyang dugo.

"Akala ko ay mako-confine ako sa ospital,” aniya.

Hindi matukoy ni Tricia kung ano ang sanhi ang biglang pagbagsak ng presyon ng kanyang dugo at pagsusuka. Ang naalaala lang daw niya siya ay kumain siya ng samut-saring pagkain na dala ng kanilang grupo bago  lumangoy sa baybay-dagat.

Sa kanyang pakiwari ang nakain niyang ubas na sobrang hinog, saging at iba pang prutas ay nahalo sa ibat ibang pagkain na posibleng panis.

Ayon naman sa mga kasama niya, nalamigan lang ang kanyang sikmura dahil siya lang naman ang nagkaganoon.

Malaki ang pasasalamat ni Tricia sa Diyos dahil pagkatapos ng dalawang oras na pananatili sa ospital ay pinauwi na siya dahil bumalik na sa normal ang kanyang presyon matapos siyang lapatan ng pang-unang lunas.

Gayunpaman, palaisipan pa rin sa kanya hanggang ngayon kung bakit biglang bumagsak nang ganoon kababa ang presyon ng kanyang dugo. – George Manalansan

Don't Miss