“Ang pagsusumikap at sigasig na matuto ng karagdagang kaalaman pangkabuhayan ay mabisang sangkap para maabot ang mga adhikain sa buhay.”
Ang mga salitang ito ay nagsilbing gabay sa pagdaraos muli ng pagsasanay pangkabuhayan ng Card-HK Foundation para sa mga manggagawang Pilipino noong ika-18 ng Agosto sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town. Ang itinuro sa mga kalahok ay ang paggawa ng dalawa sa paboritong pagkain ng mga Pinoy, ang embutido at empanada.
Ayon kay Gigi Lingao, isa sa mga tagapagsanay, ang pagluluto ng Filipino-style embutido ay nag-umpisa noong panahon pa ng mga Kastila na sumakop sa Pilipinas ng mahigit tatlo at kalahating siglo. Sila daw ang nagdala sa ating bansa ng kaalaman para sa paggawa ng embutido, na kabilang sa pamilya ng mga sausages.
Payo naman nina Lia Galve at Jhoan Cabudil, katuwang na trainor ni Lingao, mas mainam na gumamit ng dahon ng saging para pambalot ng embutido. Healthy na makakatipid ka pa, dagdag ni Galve.
Samantala, magkatuwang na ibinahagi muli nina Elpie Leba at Pamela Agbao ang kanilang husay sa paggawa ng empanada sa mga sumali sa pagsasanay.
Laking pasasalamat naman ni Farrah Jane Cercado sa bumubuo ng CARD- HK Foundation at sa mga trainor na walang sawang magturo ng pangkabuhayan. Dahil sa ganitong pagsasanay ay nagagamit nila ang iba nilang natutunan sa CARD tulad ng paggawa ng kutsinta. Sa kanya na raw nagpapaluto ang mga kasamahan niya kapag may espesyal na okasyon sa kanilang dinadaluhang simbahan.
Masayang nagpasalamat din ang ibang kasali sa mga trainor na hindi iniinda ang pagod at init ng panahon maibahagi lamang ang mga kaalaman pangkabuhayan sa mga kapwa nila OFW. Ito ay parte ng adhikain ng Card OFW HK na tulungang maghanda ang mga migranteng manggagawa sa kanilang pagbabalik-bayan.
Ang susunod na libreng financial literacy seminar ng Card ay isasagawa sa ika-21 ng Oktubre. Sa mga nais dumalo, tumawag lamang sa numero 56002526, 95296392 o 54238196
Embutido
Ingredients:
2 lbs minced pork
14 pcs Vienna sausage
3-5 pcs hard-boiled eggs, sliced
½ cup sweet pickle relish
½ cup tomato sauce
2 pcs raw eggs
2 cups cheddar cheese, grated
1 cup carrots, minced
1 cup red bell pepper, minced
½ cup raisins
1 cup onion
2 tbsp garlic
¼ cup condensed milk
2 ½ cups bread crumbs
4 tsp salt
dash of pepper
Instructions:
1. Place ground pork in a large container.
2. Add break crumbs, then break the raw eggs and add it in. Mix well.
3. Put in the carrots, bell pepper (red and green), onion, pickle relish and cheddar cheese. Mix thoroughly.
4. Add the raisins, tomato sauce, condensed milk, salt and pepper and mix well.
5. Place the meat mixture in an aluminum foil, and flatten it.
6. Put the sliced Vienna sausage and sliced boiled eggs alternately in the middle of the flat meat mixture.
7. Roll the foil to form a cylinder – locking the sausage and the meat in the middle of the flat meat mixture. Once done lock the edges of the foil.
8. Place in a steamer and let cook for 1 hour.
9. Place inside the refrigerator to cool.
10. Slice and serve. Enjoy!
*Recipe yields 14 pieces of embutido
Empanada
Ingredients:
For the pastry:
3cups all-purpose flour (375 grams)
¼ cup white sugar (50 grams)
½ tsp baking powder
½ tsp fine salt
½ cup oil or 128 grams butter
1/3 cup water
For the filling:
2 tbsp cooking oil
2 cloves garlic, minced
100 grams onions, minced
¼ kilo ground pork (250 grams)
½ tsp salt
Cooking oil for frying
½ tsp ground black pepper
½ tsp sugar
150 grams French beans, cut small
150 grams potatoes, cut into small cubes
150 grams carrots, cut into small cubes
1 boiled egg
Procedure:
1. Mix the pastry ingredients and roll dough to1/4 inch thickness.
2. Using a small plate as guide, cut dough into rounds.
3. To prepare the filling, saute garlic and onions.
4. Add the meat, potatoes, carrots snd French bean.
5. Add salt, sugar and bac pepper to taste. Cool.
6. Put a tablespoon of the filling in the middle of each rounded dough.
7. Fold the dough in half and seal the edges by pressing them together with your fingers.
8. Deep-fry until golden brown.
*Note: Ingredients for the filling may vary, depending on what vegetables and type of meat you prefer. For vegetables, red bell pepper and green peas are used most of the time. For the pastry, readymade puff pastry or dumpling wrappers which are available in supermarkets or markets, can be used.