Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ayaw sa utang

24 September 2018

Ganoon na lang ang gulat ni Mary Ann nang bigla siyang tanungin ng kanyang amo kung nasaan ang pasaporte niya, araw ng Lunes, bago ito pumasok sa trabaho. Agad naman itong ipinakita ni Mary Ann. Pero nang hanapin na naman ito ng amo noong sumunod na Lunes ay hindi na napigilan ni Mary Ann ang magtanong.

Sa loob kasi ng limang taong paninilbihan niya sa mga amo ay noon lang nito hinanap ang kanyang pasaporte. Diretsong sinabi ng amo na naninigurado lang ito na hindi ginamit ni Mary Ann ang pasaporte na collateral para makapangutang. Nadadalas daw kasi ang mga balita sa dyaryo at TV tungkol sa pasaporte ng mga kasambahay na nasamsam ng mga pulis mula sa mga loan shark.

Naiintindihan naman ni Mary Ann ang pangamba ng kanyang amo, dahil hindi biro ang perhuwisyong binibigay ng mga kolektor kapag pumalya sa pagbabayad ang isang katulong. Pati ang amo ay damay sa pagtawag-tawag at pambabastos ng mga ito sa telepono, at kung minsan ay umaakyat pa sa kanilang bahay para maningil at magpahiya.

Para hindi na magduda ang amo ay lagi nang iniiwan ni Mary Ann sa kanyang kama ang kanyang pasaporte bago siya lumabas sa araw ng Linggo.

Sa kabilang dako, hindi din naman masisi ni Mary Ann ang mga kababayan na kumakapit sa patalim dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas at ang walang tigil na panghingi ng pera ng mga iniwang kapamilya, na hindi batid ang paghihirap ng isang nangangamuhan sa ibang bansa.


Masuwerte si Mary Ann dahil pinapahalagan ng kanyang pamilya ang pinapadala niyang pera, kaya balak na niyang mag for good sa susunod na taon pagkatapos ng kanyang kontrata. Si Mary Ann ay 45 taong gulang, may apat na anak, at tubong Batangas. – Rodelia Villar

Don't Miss