Hindi daw niya maubos-maisip na sa loob ng halos anim na taong paninilbihan sa amo at minsan sa isang buwan lamang siya binibigyan ng day-off ay ipagkait pa ang maiksing panahon para masilayan ang labi ng ina, at maihatid ito sa huling hantungan.
Tunay na walang kunsiderasyon daw ang kanyang amo sa kabila ng matapat niyang pagsisilbi sa loob ng matagal na panahon.
Nagtangka ang Pilipina na sabihin na siya na ang bibili ng kanyang tiket sa eroplano pauwi at ilang araw lang siyang mawawala, pero matigas ang puso ng amo. Sinabi pa daw nito na hindi na naman mabubuhay ang ina niya sakaling umuwi siya.
Hindi naman magawang makipag matigasan ng PInay dahil kung siya ang mag terminate ng kontrata nila ay baka hindi siya bayaran para sa long service.
Nagalit si Mila sa narinig pero alam naman niyang mahirap talagang suwayin ng Pilipina ang gusto ng amo dahil sa malaki-laking halaga rin ang maaring maging kapalit nito.
Ngayong Agosto ay matatapos na ang kanyang pangatlong kontrata pero hindi na raw siya ire-recontract. Gayunpaman, hindi pa rin siya pinauwi dahil hindi pa daw dumating ang magiging kapalit niya.
Ang tatlong Pilipina ay pawang naninilbihan sa New Territories. – Marites Palma