Sa bago niyang trabaho ay agad niyang napansin na maraming stock ng corned beef at omega-3 supplement sa kusina. Sa isip niya, sino kaya ang mahilig kumain ng corned beef sa bahay dahil hindi naman niya nakikita ang mga amo na ito ang ulam.
Nang hindi na makatiis ay tinanong niya ang kanyang amo at ang sabi, “Excuse me sir, I just want to know who eats this corned beef and take the omega 3? Sagot ng amo, “the two doggies,” na ang tinuran ay ang dalawa niyang alaga na mga hush puppies.
“Ah, ok, sagot ni Antonia, na ang nasa isip ay, wow ang sarap naman ng pagkain ng mga aso, at may food supplement pa na parang mayamang tao. Medyo nainggit siya sa mga aso, kaya minsan kapag wala siyang ulam ay kumukuha din sa kanilang corned beef na ang nasa isip ay
“Bakit, ang aso lang ba ang may karapatan na kumain ng masarap?” Maingat naman siya na hindi niya naagawan ng pagkain at sustanya ang mga alaga na na-eenjoy naman niyang alagaan.
Kasalukuyan silang nakatira sila sa New Territories. – Merly Bunda