Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Itlog na nilalaga, sumabog

07 August 2018

Si Ana na isang Ilongga ay bagong dating pa lang sa Hong Kong, at wala pang dalawang buwan na nagtatrabaho sa mga among Intsik sa Tseung Kwan O. Sa unang araw ng kanyang paninilbihan noong Hunyo 6 ay may kapalpakan na nangyari na hindi niya makakalimutan.

Pagdating niya sa bahay ng mga amo ay inutusan kaagad siya ng “Ana you cook my one egg.”

Pigil ang tawa na tinanong niya kung anong luto ang gusto nito, kung scrambled, sunny side-up o nilaga, na puwedeng hard o soft-boiled. Ang sagong ng amo ay, “You cook hard my one egg.” Nangingiti na sumunod si Ana sa utos.

Kinuha niya yung nag-iisang itlog sa fridge at inilagay sa tubig bago isinalang sa stove. Nang nag-uumpisa nang kumulo ang itlog ay bigla itong sumabog, kaya tumilamsik sa buong kusina ang laman nito, pati sa dingding. Dahil malakas iyong putok ay narinig ng amo na nanonood ng TV sa salas, at biglang humangos papuntang kusina.

“What did you do to my one egg?”, sabi nito na pasigaw. Hindi na nakapapigil si Ana at bigla niyang sinabi ang, “So smelly your egg.”

Iyon pala ay may tatlong buwan na ang itlog sa ref kaya bugok na nung niluto. Napahiya ang amo dahil na rin sa sumambulat na baho ng itlog. Hindi na napigilan ni Ana ang sarili at biglang napahagalpak.

Lumabas ng kusina yong kanyang amo, sabay sabi ng “chisin”. Kinabukasan ay pumunta sa grocery ang kanyang among lalaki at namili ng mga pagkain. Inilapag sa sahig ang dalawang  plastic bag at sabay sabi kay Anna ng, “Don't forget to check the expiration date of the eggs I bought."

Tuwing naalala ni Ana ang kanyang karanasang ito ay nangingiti siya sa sarili. Si Ana ay 34 taong gulang, may asawa at isang anak na walong taong gulang. — Merly Bunda

Don't Miss