Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Namatay ang alaga

18 July 2018

Dalawang alalahanin ang bumagabag kay Selma M. kamakailan habang nagbabakasyon sa Pilipinas. Una, ang matanda niyang alaga ay biglang pumanaw noong Jul 2, samantalang sa Jul 11 pa ang takda niyang pagbalik sa Hong Kong.

Bagamat nalungkot sa pagkamatay ng alaga, natakot din si Selma sa maaaring mangyari sa kanya pagbalik niya mula sa bakasyon. Una, baka hindi daw siya papasukin ng Immigration, o sapilitang i-deport dahil patay na ang kanyang amo. Pangalawa, “Sakaling maghanap ba ako ng bagong employer ay papayagan ba ako na sa Hong Kong na hintayin ang aking bagong visa?

Pinayuhan naman siya na wala siyang dapat ikatakot dahil kahit gamitin pa ng Immigration yung polisiya nila na puwedeng manatili ang isang kasambahay na naputulan ng kontrata ng hanggang 14 na araw ay may lusot pa rin siya dahil sa Jul 16 pa magtatapos ang palugit na panahon, at puwede niyang gamitin ito para maghanap agad ng bagong amo.

“Makiusap ka na lang na i-extend pa visa mo para makapag process ka ng bagong kontrata,” ang payo sa kanya.

Pwede din daw niyang subukan na mag-apply na ng bagong trabaho sa online dahil ikukunsidera naman siyang “finished contract” kaya mas madali siyang makakuha ng amo.

Bukod dito, maraming mga employment agency ang hindi na maniningil sa kanya ng placement fee, at malamang na hindi na rin siya papauwiin ng Pilipinas para doon hintayin ang kanyang bagong visa.

Gayunpaman, pinayuhan din siya na humingi agad ng payo sa mga NGO katulad ng Mission for Migrant Workers para mas sigurado ang kanyang mga gagawing hakbang. - DCLM

Don't Miss