Dahil hindi na masulsi ng kamay ay iminungkahi ni Nadine sa amo na dalhin na lang ang pantulog sa patahian, at pumayag naman ito. Ngunit pagbigay niya sa mananahi ay agad nitong sinabi ang, “Pangyaw, these clothes are out of service,” sabay dagdag na sabihan niya ang amo na bumili na lang ng bago.
Natatawa na tinawagan ni Nadine ang amo at ipinakausap sa mananahi dahil hindi ito nakikinig sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay sinabi ng mananahi na “ok” at alam na daw ng amo niya na hindi na puwedeng tahiin ang gulanit na pantulog.
Pero kinagabihan, pagdating ng amo ay ang luma pa rin na pantulog ang hinanap. Sinabi nito kay Nadine na hayaan na lang niya na puni-punit ito dahil sa gabi lang naman niya gagamitin.
Walang nagawa si Nadine kundi sumunod. Mabuti na lang at hindi naman malaswang tingnan ang damit dahil ang punit at butas ng pantulog ay nasa bandang likod.
Si Nadine, 37 taong gulang at dalaga, tubong Zambales. Nasa pangalawang kontrata na siya sa mag-asawang Intsik na taga Kennedy Town. – Ellen Asis