Noong Hunyo 14 ay inutusan siya ng amo na bumili ng burgenr bun sa Wellcome supermarket. Dahil alas siyete pa lang ng umaga ay sarado pa ang grocery kaya bumalik siya sa bahay ng amo. Pagdating niya ay hinanapan siya agad ng amo ng tinapay at nang sabihin niya na alas otso pa ang bukas ng tindahan ay nagalit ito nang husto, at agad siyang pinababa muli.
Habang wala siya ay pinagtatapon ng amo ang kanyang mga gamit mula sa kanilang banyo, at may mga salawal at bra pa siya na sumabit sa bintana. Pagbalik niya ay sinabihan siya ng amo na mag-empake at bumaba ora mismo.
Hindi siya nito binayaran ng kahit magkano. Dala-dala ang kanyang mga gamit ay dumiretso siya sa kanyang ahensiya at ikinuwento ang lahat ng nangyari. Sa hapon ng araw ding iyon ay dumating ang kanyang amo sa ahensiya at binayaran ng buo ang kanyang dalawang buwang sahod, at $700 para sa kanyang annual leave.
Nagsabi din ang amo ng “sorry” dahil may hot temper daw siya. Masuwerte na rin si Marites dahil hinanapan siya ng bagong amo ng ahensiya at hindi na siya pinagbayad muli ng placement fee- Merly Bunda