Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nasalanta ng masamang panahon

11 June 2018

Nalugi si Lorena sa kanyang babuyan dahil sa kakulangan niya ng kaalaman tungkol sa epekto ng pagsalanta ng masamang panahon. Ayon sa kanya, sa pagnanais na magkaroon ng dagdag kita at matulungan ang mga kapatid ay nag-isip siya ng ibang mapagkakakitaan.

Ang kanyang nakababatang kapatid na wala ring muwang sa pagpapatakbo ng babuyan ang namahala. Sa una, inakala niyang kikita siya ng maayos kaya namuhunan siya ng husto, hanggang umabot na sa 80 patabain at 16 na inahin ang kanyang babuyan.

Pero pagsapit ng tag- ulan ay nagkasakit ang ilan dahil sa lamig, at pati ang ilang inahin ay hindi nakayanan ang panganganak. Binaha kasi ang kanyang kural dahil sa malakas na ulan, at hindi na nagawang isalba ng beterinaryo ang mga baboy na nagkasakit.

Ang ilang natira ay napilitan niyang ibenta sa mga barat na mamimili ng baboy. Wala na kasi siyang magagawa dahil kapag hindi niya ibinenta ay lalo siyang malulugi dahil sa mahal ng pakain sa baboy.

Nakakadala, sabi ni Lorena, ang kanyang pagkabigo sa unang pagtatangka niyang magnegosyo. Mabuti na lang daw at hindi utang ang ginamit niyang pang capital, dahil inipon niya ito sa loob ng limang taon na pagtatrabaho sa abroad. Ang bentaha na lang niya ay 30 taong gulang pa lang siya, at may pagkakataon pang makabawi. Sa ngayon ay nag-iipon siya muli at ayaw na munang magnegosyo. Saka na lang daw kapag nagdesisyon siyang umuwi na sa Pampanga para siya na mismo ang magpatakbo. – George Manalansan


Don't Miss