Kamakailan ay naikuwento ni Dindo sa mga ka-tropa sa Statue Square ang tungkol sa matanda, at ang lahat ay nagtaka sa narinig.
“Bakit kaya?” ang tanong ng lahat.
Ang taong grasa ba na ito ay naninindigan na hindi siya mamamalimos, balik-tanong ni Dindo. Sagot ng isa, ayaw siguro magkaroon ng utang na loob. Biglang napahagalpak ang isa pa, “Aba, mataas ang pride chicken” wika niya. “Maaring may mapait na karanasan ang matanda” sabat ng isa pa. Dito na nabuksan ang usapin tungkol sa mga taong grasa o ang iba pang may problema sa katinuan na makikita sa lansangan.
Sabi ni Dindo, maaring ang mga taong grasa ay may bubog o sugat sa pagkatao na hanggang ngayon ay dada-dala pa.
Iyung matandang “ma pride ay lagi daw niyang nakikita noon na palaboy-labor sa may Shelter street sa Causeway Bay noong doon pa nakatira ang kanyang mga amo.
May isang Instik din na pilay at may diperensiya sa pangangatawan na laging nakapuwesto sa gitna mg mataong lugar sa Causeway Bay.
May isa pang nakabalot ng masking tape ang buong ulo at nakabalandra sa dulo ng kalsada sa gilid ng tindahan ng Sogo.
Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-isip kung sino ang nag-aalaga sa mga ito kapag hindi nagpapalimos o namumulot ng pagkain. Akala daw niya noon, kapag maunlad ang isang lugar katulad ng Hong Kong ay walang nagpapalimos. – George Manalansan