Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kakaibang paraan ng kawanggawa

29 June 2018

Mahilig sa negosyo at matulungin sa kapwa si Sheena. Ginagamit niya ang dalawang katangiang ito upang makatulong o makapag-ambag ng kahit na maliit na halaga sa mga grupo na may magandang layunin. Halimbawa, nagbebenta siya ng kahit anong pagkakitaan at sa bawat mabenta niya ay ibinibigay niya ang 5% ng kita sa mga kawanggawa.

Dahil sa kanyang kakaibang pamamaraan at mabuting layunin ay marami sa kanyang mga kaibigan ang bumibili ng kanyang paninda. Suki na niya ang mga kaibigan na gusto rin tumulong kahit na sa pamamagitan lamang ng pagtangkilik ng kanyang produkto. Mula sa kanyang mga naipon na pera ay nakapagbigay siya ng mga pagkain, gamot, alcohol, bulak at iba pang pangunahing pangangailangan ng Anawim, isang bahay-tuluyan ng mga matatanda.

Kasama ang kanyang dalawang anak na edad pito at lima ay dinalaw nila ang mga matatanda, at binigyan ng mga napamiling mga gamit. Tuwang-tuwa naman ang mga matatanda na nakipagsayaw pa sa kanyang mga anak, bilang bahagi ng isang maiksing programa na isinagawa ng mga namamahala sa Anawim upang higit na  maging makabuluhan ang kanilang pagdalaw.

Bukod sa Anawim, nakapagbigay na rin siya ng mga damit sa mga mahihirap sa Pilipinas, na galing sa mga kahon-kahong damit na naipon ng kanyang kaibigan mula sa bigay ng kani-kanilang mga amo. Sinagot ni Sheena ang bayad sa pagpapadala ng mga kahon sa Pilipinas at nakipagtulungan para maipamigay ang mga damit ng maayos. Ayon kay Sheena masarap sa pakiramdam ang tumulong. Hindi naman daw sagabal ang kawalan ng malaking kayamanan sa pagtulong dahil marami naman ibang paraan.

Si Sheena, 28 at tubong Maynila, at may asawa at dalawang anak. Nasa ikalawang kontrata na siya sa among Intsik na may isang anak at nakatira sa Kennedy Town.

Dating may online business sa Pilipinas si Sheena pero napilitang mag-abroad dahil hindi sapat ang kinikita nilang mag-asawa sa kanilang mga pangangailangan. – Ellen Asis

Don't Miss