Dinala sa ospital si Jolina, 39, noong May 27 , at doon na nagpalipas ng gabi, kasama si Mark at ang panganay nilang si Pele, 3.
Pahinga muna sa pagho-host si Jolina sa daily TV show niyang “ Magandang Buhay “, at ang mga co-hosts niyang sina Karla Estrada at Melai Cantiveros muna ang magdadala ng show, kasama ang kanilang mga celebrity guests.
Noong nakaraang taon ay si Melai naman ang nag-maternity leave sa kanilang show nang isilang nito ang pangalawang anak nila ni Jason Francisco.
41st GAWAD URIAN AWARDS
Muling namayagpag ang mga indie films sa listahan ng mga nominado sa Gawad Urian sa taong ito. Ang pelikulang “Respeto” ang nakakuha ng pinakamaraming nominasyon (11), kabilang na ang best actor para kay Abra , na mas kilala bilang isang rapper. Tinalo niya sina Aga Muhlach at Dingdong Dantes na hindi man lang na-nominate sa pelikula nilang Seven Sundays.
Gaganapin ang Gawad Urian 2018 sa June 14 sa ABS CBN tent sa Vertis North sa Quezon City.
Ang mga nominado:
Best Film:
Balangiga: Howling Wilderness - Archinette Villamor, Edong Canlas, Khavn dela Cruz, producers
Birdshot - Pamela L. Reyes, producer
Bhoy Intsik - Ferdinand Lapuz, producer
The Chanters - Cai Cena, Ferdinand Lapuz, Thop Nazareno, producers
Respeto - Monster Jimenez, producer
Tu Pug Imatuy - Norhaiya Diabo, Macusang, Arnel Mardoquio, Milo Tolentino, Ethel Mendez, Arnel Barbarona, Jillian Kayle Barbarona, producers
Best Director:
Arnel Barbarona - Tu Pug Imatuy; Sigrid Andrea P. Bernardo - Kita Kita; Khavn De La Cruz - Balangiga: Howling Wilderness; Joel Lamangan - Bhoy Intsik, James Robin M. Mayo - The Chanters; Treb Monteras III – Respeto; Mikhail Red - Birdshot
Best Actress:
Joanna Ampil - Ang Larawan; Angeli Bayani - Bagahe; Alessandra de Rossi - Kita Kita;
Gloria Diaz - Si Chedeng at Si Apple; Dexter Doria - Paki; Jally Nae Gilbaliga - The Chanters;
Agot Isidro - Changing Partners; Elizabeth Oropesa - Si Chedeng at Si Apple; Bela Padilla - 100 Tula Para Kay Stella; Angellie Nicolle Sanoy - Bomba; Malona Sulatan - Tu Pug Imatuy
Best Actor:
Abra – Respeto; Nonie Buencamino - Smaller and Smaller Circles; Timothy Castillo - Neomanila;
Noel Comia Jr. - Kiko Boksingero; Allen Dizon – Bomba; RS Francisco - Bhoy Intsik;
Jojit Lorenzo - Changing Partners; Empoy Marquez - Kita Kita; Sandino Martin - Changing Partners;
Justine Samson - Balangiga: Howling Wilderness
Best Supporting Actress
Yayo Aguila - Kiko Boksingero; Angeli Bayani - Maestra; Shamaine Buencamino – Paki;
Jasmine Curtis-Smith – Siargao; Chai Fonacier - Respeto; Nathalie Hart - Historiographika Errata;
Odette Khan - Bar Boys; Menchu Lauchengco-Yulo - Ang Larawan; Gloria Sevilla - Maestra
Best Supporting Actor
John Arcilla - Birdshot; Robert Arevalo - Ang Larawan; Romulo Caballero - The Chanters;
Dido De la Paz – Respeto; Pio Del Rio - Balangiga: Howling Wilderness; Nor Domingo – Respeto;
Ronwaldo Martin - Bhoy Intsik; Jess Mendoza - Sa Gabing Nanahimik ang mga Kuliglig;
Arnold Reyes - Birdshot
Natatanging Gawad Urian – Winston Raval, composer- arranger (Vanishing Tribe)
Itatanghal din ang unang CineManunuri Film Festival sa pagtutulungan ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Cinema Centenario sa June 15- 29. Ipapalabas dito ang mga mananalo at nominadong pelikula sa Gawad Urian 2018.
ARA, MAY-ASAWANG USEC ANG BF?
Naunang ibinalita bilang isang blind item, hanggang pangalanan ni Lolit Solis na si Ara Mina ito, usap-usapan ngayon ang nangyaring komprontasyon kay Ara ng asawa ng diumano’y bagong boyfriend niya.
Guest daw si Ara sa isang pagtitipon, at nang kumakanta siya, nagtawag ito ng tao sa audience upang samahan siyang kumanta, at napilit niya ang isang babae na ang kinalabasan ay asawa pala ng isang undersecretary sa isang ahensya ng pamahalaan na boyfriend daw ngayon ni Ara.
Hindi daw alam ng babaeng mula sa audience ang lyrics ng kakantahin nila kaya ibinigay ni Ara ang kanyang cellphone upang mabasa nito ang lyrica ng kanta. Ang kaso, habang hawak daw nito ang cellphone ni Ara ay biglang pumasok ang text ni Usec, at tinatanong kung naroon pa sa event ang asawa niya. Pagkatapos ng kanta, dinala ng babae ang cellphone at nabasa ang palitan ng matatamis na messages ng asawa niya at ni Ara, kaya nagkaroon ng matinding komprontasyon sa comfort room ang babae at si Ara.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag si Ara tungkol sa nangyaring insidente, pero ngayon pa lang ay marami nang negatibong puna ang ibinabato sa kanya. Bakit daw kasi lagi siyang pumapatol sa mga sabit na, mula pa noong nakarelasyon niya si Jomari Yllana, na noon ay asawa na ni Aiko Melendez.
Si Ara ay may isang anak sa dati niyang boyfriend na si Mayor Patrick Meneses, na naging boyfriend din ni Aiko.
CELEBRITIES NA TATAKBONG SENADOR
Kinukumbinse daw ni Sen. Tito Sotto, ( bagong hirang na senate president, kapalit ni Sen Koko Pimentel) ang news reporter na si Ted Failon ng ABS CBN, upang tumakbong senador sa susunod na eleksyon.
Nauna nang napabalita na ang newscaster na si Jiggy Manicad ay tatakbo ring senador, at nag-resign na raw ito sa GMA Network upang paghandaan ang kanyang pagpasok sa pulitika.
Ang iba pang celebrities na nagbabalak o hinihikayat ding tumakbong senador ay sina Dingdong Dantes, Lito Lapid, Erwin Tulfo, Mocha Uson, Agot Isidro at Willie Revillame.
Nakaupo pa sa puwesto sina Grace Poe, Manny Pacquiao, at Tito Sotto. Senador pa rin sina Ralph Recto (asawa ni Vilma Santos), Chiz Escudero (asawa ni Heart Evangelista) at Francis Pangilinan (asawa ni Sharon Cuneta).
Samantala, nakulong matapos makasuhan sina Ramon “Bong” Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada, na pansamantalang nakakalaya matapos payagang magpiyansa.
ALDEN, ITATAPAT SA ANG PROBINSYANO?
Sa wakas ay natupad na ang matagal nang hiling ng mga fans na bigyan ng bagong TV series ang kanilang idolong si Alden Richards. Excited si Alden sa bago niyang project, ang “Victor Magtanggol” dahil matagal na raw niyang gustong gawin ang ganitong klaseng papel.
“Nang binigay kasi sa akin ang Victor Magtanggol at then diniscribe ang character niya, ang lakas ng koneksyon sa mga Pilipino. So yung mga Pilipino na may prinsipyo, yung pag inatasan mong gawin ang isang bagay ay paninindigan nila. Gusto natin kapag pinanood ng mga Kapuso natin si Victor Magtanggol, makikita nila ang mga sarili nila.”
Tututukan at magiging involved daw si Alden sa magiging takbo ng kwento kaya madalas daw siyang makipag-usap sa creative team ng bagong TV series, dahil gusto daw niyang subaybayan ito ng mga manonood dahil may aral ding mapupulot mula dito. Makaka-relate daw ang mga manonood kay Victor Magtanggol dahil ang istorya ng buhay nito ay puno ng drama, aksyon at adventure.
Ngayon pa lang, inaasahan na ng marami na ito ang ipantatapat ng GMA Network sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, na halos tatlong taon nang namamayagpag sa ere. Si Coco ay creative consultant din ng kanyang programa, at maging sa stunts at fight scenes ay tinututukan niya. Ito rin marahil ang gustong ma-achieve ni Alden sa kanyang TV show.
Wala pang kumpirmasyon kung sino ang magiging leading lady ni Alden, dahil maraming mga pangalan ang inaayawan agad ng kanyang mga fans, lalo na ang mga fans nila ni Maine Mendoza. Pero ang pangalan ni Janine Gutierrez ay isa daw sa mga pinagpipilian. O baka naman ipaparis ito sa Ang Probinsyano na marami ang ipinareha kay Coco gaya nina Bela Padilla, Maja Salvador, Yassi Pressman, Yen Concepcion at ngayon ay si Jessy Mendiola.
ANNE, IPINAGTANGGOL ANG ASAWA
Damay ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heusaff sa anomalyang kinasasangkutan ng Buhay Carinderia project ng Tourism Promotions Board (TBP) na dating pinamumunuan ni Cesar Montano. Si Erwan ang content creator ng Buhay Carinderia sa mga video na ginagamit upang i-promote ang mga lokal na kainan sa Pilipinas. Siya ang piniling gumawa nito ng Marylindbert International, ang marketing agency na itinalaga ng TPB para humawak ng proyekto.
Bago pa umupo sa puwesto ang bagong Tourism Secretary na si Bernadette Romulo-Puyat, (pumalit kay Wanda Tulfo-Teo), lumabas na ang alingasngas na tumanggap ng Php80 milyon bilang paunang bayad ang Marylindbert mula sa TBP, at kung paanong nakuha ang proyekto ng hindi dumaan sa bidding process. Agad naman itong kinumpirma ni Puyat, at ipinatawag si Cesar na sa bandang huli ay napilitang mag-resign dahil sa kontrobersiya. Pero bago ito ay inilaglag muna ng aktor ang dati niyang boss na si Tulfo-Teo. Ayon kay Cesar, aprubado daw ni Teo ang mga tsekeng ibinayad sa may-ari ng Marylindbert International, na kaibigan din daw nito.
Ipinagtanggol naman ni Anne Curtis ang kanyang asawa dahil wala daw itong alam sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Buhay Carinderia. “I know where Erwan’s heart is talaga when it comes to that: it’s always about pushing the Filipino food. Yun lang naman ang gusto niya, ma-highlight ang pagkain na mga Pilipino, so I support him with that”, ang sagot niya sa isang panayam.