Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Ay, mali: naghanapan ang mag-amo

18 June 2018

Dapithapon nang tumawag ang amo ni Celia upang magpasundo sa Park N Shop dahil  marami itong pinamili na mga gamit para sa bahay. Sinabi ng amo na sunduin siya ni Celia, sa Park N Shop na nasa Bonham Road.

Dalawang beses siyang tinanong ni Celia kung saang Park N Shop sila magkikita bago siya nagmamadaling umalis. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya nadala ang kanyang cellphone. Halos kinse minutos na siyang naghihintay at nakailang pasok at labas na siya sa grocery ay hindi pa rin niya makita kahit anino ng  amo.

Kinakabahan na siya dahil hindi niya nadala ang kanyang telepono kaya hindi niya ito matawagan. Tahimik siyang nanalangin bago biglang nakita niya ang kanyang ka-building na Indonesian. Nakiusap siyang makigamit ng telephone upang makontak ang amo. Mabuti na lang at memoryado niya  ang numero ng  amo.

“Where  are you?,” agad na tanong ng amo pagkarinig ng boses niya. Sabi naman niya, “Maam  I can’t see you, I’ve been  waiting outside Park N shop.” Noon lang biglang naisip ng amo na nasa Market Place pala siya sa Second Street at hindi sa Park N Shop sa Bonham.

Agad nang tumakbo si Celia sa tamang lugar, at halos maputulan ng hininga sa pagmamadali na makarating sa amo. Pawis na pawis siya nang magkita sila kaya binigyan ng amo ng tissue  si Celia upang pahiran niya ang kanyang pawis, sabay hingi ng paumanhin.

Nahiya din si Celia dahil hindi siya nagdala ng cellphone kaya napatagal nang husto ang kanilang pagkikita.

Dahil sa nangyari ay isinumpa niya na hindi na ulit lalabas ng bahay ng walang telepono lalo na at mali-mali din sa paghahabilin ang kanyang amo. Si Celia ay dalaga na tubong Mindanao at naninilbihan sa mga among Intsik na taga MidLevels at may dalawang anak. – Ellen Almacin

Don't Miss