Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Agot at Allen, panalo sa Famas

17 June 2018

Panalo bilang best actress si Agot Isidro para sa pelikulang “Changing Partners”, at best actor si Allen Dizon para sa pelikulang “Bomba” sa katatapos na 66th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na ginanap nitong Linggo, June 10, sa Solaire Theater. 

Sa kanyang speech, ibinahagi ni Agot ang kanyang panalo sa mga kasamahan sa pelikula: “I dedicate this award to my co-actors because we really acted as one. I cannot take the credit for winning this. This a great time to be in the movie industry. Let’s keep making movies that inspire and awaken the soul and humanity in all of us”.

Ang best picture ay napanalunan ng  “Balangiga: Howling Widerness”, at ang nanalong best director ay si Arnel Barbarona para sa pelikulang “Tu Pug Imatuy (The Right to Kill)”.

Ang kumpletong listahan ng mga nanalo: 
Lifetime Achievement Award - Lav Diaz
Best Film - Balangiga: Howling Wilderness
Grand Jury Prize - Tu Pug Imatuy (The Right To Kill) and Respeto
Outstanding Achievement in Directing - Arnel Barbarona (Tu Pug Imatuy The Right To Kill)
Best Actress in a Leading Role - Agot Isidro (Changing Partners)
Best Actor in a Leading Role - Allen Dizon (Bomba)
Best Actress in a Supporting Role - Odette Khan (Barboys)
Best Actor in a Supporting Role - Mon Confiado - (Mga Gabing Kasinghaba ng Hair Ko)
Dolphy Achievement Award - Vice Ganda
FPJ Achievement Award - Coco Martin
German Moreno Youth Achievement Award - Aura and Julie Ann San Jose
Male and Female Celebrity of the Night - Joshua Garcia and Julia Barretto
Male Face of the Night - JC Santos
Female Face of the Night - Max Eigenmann
Best Original Song - “Katurog Na” from Balangiga: Howling Wilderness by Lolita Carbon; Music & Lyrics by Khavn de la Cruz
Best Musical Score - Respeto - Jay Oliver Durias
Best Short Film - Hilom (PR Patindol)
Best Documentary Film - Yield (Victor Delotavo Iagaro and Toshihiko Uriu
Ang mga naging host ng parangal ay sina Piolo Pascual, Kim Chiu at Robi Domingo.

2nd TNT WINNERS
Bongga ang ginanap na “Tawag ng Tanghalan Huling Tapatan” sa It’s Showtime TV show noong nakaraang Sabado, June 2, sa Aliw Theater. Naging malakas ang suporta ng mga tatlong finalists na sina Janine Berdin (Visayas), Ato Arman (Mindanao) at Steven Paysu (USA), na pawang mahuhusay at may kanya-kanyang kakaibang talento sa pag-awit. Nang matapos ang palakpakan, at hiyawan mula sa audience, mga hurado at mga host, tinanghal na champion sa TNT Season 2,  ang 16-yr old Cebuana na si Janine na umawit ng medley ng mga awitin ni Bamboo.
Ang mga hurado na sina Rey Valera, Ogie Alcasid, Yeng Constantino, K Brosas, Jaya, Eric Santos, Mitoy Yonting, Nyoy Volante, Billy Crawford, Jed Madela, Karylle, Karla Estrada, Kyla at Rico Puno ay hindi napigilang umiyak, pumalakpak at bigyan ng standing ovation ang bawat performance ang mga kalahok.

Nag-perform din ang TNT season 1 champion na si Noven Belleza, runner-up Sam Mangubat, TNT Kids champion John Clyd Talili at finalists na sikat na ngayong TNT Boys.
Napanalunan ni Janine ang Php2 milyong cash prize, house & lot package mula sa Camella Homes, Siomai business package,  music package, vacation package, malaking TV set, trophy, management contract mula sa ABS CBN at recording contract sa Star Music.

Ang second placer na si Ato ay nanalo ng Php500,000 at ang third placer na si Steven ay nanalo naman ng Php250,000. Ang tatlo pang contestants na napasama sa top 6 ay tumanggap ng consolation prize na Php100,000 bawat isa. 

Nagpa-bonggahan din sa kanilang mga damit ang mga It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis na parehong naka-apat na palit ng gowns, at sina Amy Perez, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta.

TO FARM FILMFEST 2018 ENTRIES
Mula sa 119 kalahok, napili na ang pitong finalists para sa 2018 TO (The Outstanding Farmer) Farm Film Festival na gaganapin sa September 12-19, 2018. Ang mga napiling kalahok ay tatanggap ng Php1.5 milyon bawat isa mula sa mga executive producers.  Si Bibeth Orteza ang festival director, at Joey Romero bilang managing director ng filmfest na ito na sinimulan ng yumaong director na si Maryo J. Delos Reyes. Ang selection committee na pumili sa mga kalahok ay sina Raquel Villavicencio, Krip Yuson, Antoinette Jadaone, Mario Cornejo at Manny Buising.

Ang mga kalahok: 
1. 1957 -  historical drama na isinulat at idinirek ni Hubert Tibi
2. Alimuom - science fiction na isinulat at idinirek ni Keith Sicat
3. Fasang - period romance na isinulat ni Charlson Ong (director to be announced)
4. Isang Kuwento ng Gubat (The Leonard Co Story) – isinulat ni Rosalie Matilac at ang mga director ay sina Ellen Ongkeko Marfil, Rosalie Matilac, at Milo Paz.
5. Lola Igna - cultural drama na isinulat at sa direksyon ni Eduardo Roy Jr.
6. Mga Anak Ng Kamote - futuristic drama na isinulat ni John Carlo Pacala, sa direksyon ni Carlo Enciso Catu
7. Sol Searching - dark comedy sa panulat at direksyon ni Roman Perez Jr.

HEART, NAKUNAN
 “There are not enough words to express how heavy my heart feels but I know it’s important to share this because it’s part of my motherhood journey. At this week’s Doctor appointment, just as we hit the 3 month mark, we found out that her heart stopped beating. For some it might be early on but for us, we were so ready to meet you, little one. Carrying you made me feel like a completely new person. Just the thought of you taught me what unconditional love feels like. The doctor told me that there really wasn’t anything we could’ve done, that this happens to a higher percentage of first time moms. I know this is true because so many of you have been open with sharing your experiences. Your kindness and positivity in sharing about your own miscarriages remind me to be strong. I take comfort knowing that you’re up there with your twin.”

Ito ang malungkot na mga katagang ibinahagi ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram account upang ipaalam na hindi rin nabuhay ang natitira sa kambal sana niyang ipinagbubuntis.

Ilang linggo lang ang nakalipas nang masaya nitong ibinalita na buntis na siya, sa unang anak nila ni Se. Chiz Escudero, nang i-post niya ang larawan nilang mag-asawa, at hawak niya ang mamahaling damit pambata. Pagkatapos nito ay ibinalita niyang hindi nabuo ang isa sa kambal, kaya pinag-iingat siya ng husto para sa natitira pang baby, pero hindi rin nagtagal ay natuklasang wala na rin itong heart beat.

“ I don’t question God about this sad time, I trust in His timing and plan. I hope you all understand that I’ll be taking some time off but your support and kind words will be felt, even if I’m not able to reply. I’m not looking for answers, just peace. For what it’s worth, I already had a name for you. My Mira, funnily enough, I already loved your smile. I know you’ll find your way back to me” , ang dagdag pa ni Heart.

KRIS, NAKABILI NG BAHAY SA AMERIKA
Marami ang nagulat nang i-post ni Kris Bernal ang bagong bahay na nabili niya sa West Covina, California. Marami ang nagulat dahil hindi nila akalaing malaki na pala ang naipon ng aktres mula nang manalo silang Ultimate Survivors ni Martin Escudero sa Starstruck Season 4, para makabili ng bahay na nagkakahalaga ng US$500,000 na katumbas ng halos Php30 milyon.

Ayon kay Kris, ang bahay na nabili niya ay katas ng lahat ng kanyang paghihirap sa trabaho at pagpupupuyat, pero lahat daw sa pamilya nila ay may kontribusyon din dito. Ang isang kapatid niya ay dalawang taon nang nagta-trabaho sa Amerika bilang isang registered nurse, at siyang naghanap ng bahay. Malaki ang bahay, na may apat na silid at loft, base sa video ng house tour na ipinost ni Kris sa kanyang Instagram account.

Ilan sa mga celebrities na may bahay din sa Amerika ay sina Vilma Santos, Manny Pacquiao, Aga Muhlach, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, at Michael V. Si Sharon Cuneta ay may mansyon din sa Los Angeles, pero ibinenta na sa isang comedian na kaibigan ng sikat na aktor na si Adam Sandler noong nakaraang taon. 

Bukod sa pag-arte, mahilig din si Kris sa pagne-negosyo, gaya ng itinayo niyang MeatKris burger stores, pero isinara niya ito kamakailan  upang pagtuunan ng pansin ang bagong Korean restaurant na bubuksan nila, kasosyo ang boyfriend niyang si Perry Choi.

Si Kris ay napapanood sa Kapuso TV series na The Cure, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez at Jaclyn Jose.

JUDY ANN, IDI-DIREK NI BRILLANTE MENDOZA
Isang malaking pelikula ang ginagawa ni Judy Ann Santos, na inaasahang isasali sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa. May titulong Maguindanaw (dating Bayang Magiliw), ito ay sa direksyon ni Brillante Mendoza, na kilala na sa ibang bansa dahil ilang beses nang nanalo ng mga award para sa kanyang mga pelikula.

Gaganap bilang isang Muslim si Judy Ann at makakapareha si Allen Dizon, sa papel na asawa niya at sundalo. Si Allen ay hindi gaanong sikat sa mga mainstream na pelikula at hindi rin gaanong napapansin sa mga pagganap sa mga TV series, pero suki siya sa mga indie films, at marami na siyang naipanalong acting awards hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa mga film festival sa ibang bansa.

Muli ring babalikan ni Juday ang paggawa ng teleserye, matapos ang mahaba-habang panahon. Ka-abang-abang ito para sa kanyang mga fans, na matagal nang hinintay ang kanyang pagbabalik bilang  Teleserye Queen, sa bago niyang TV series na “Starla”. Hindi pa inaanunsyo kung sino ang kanyang makakapareha, pero may balitang isang sikat na aktor ito na galing sa ibang network, at magiging bagong Kapamilya.     

Don't Miss