Kararating ng amo mula sa pagbiyahe sa Canada, at bago umalis ay sinabihan siya na puwede siyang lumabas sa panahong wala sila. Sumagot naman siya ng may pasasalamat pa, at ngayon lang niya nalaman ang ibig nitong sabihin na mag day off siya.
Sa loob-loob niya, bakit hindi siya sinabihan ng diretso para malinaw? Kahit kasi pinalabas siya ay todong pagtatrabaho pa rin ang ginawa niya.
Akmanag tatalikod na ang suwapang na amo nang hindi nakatiis si Lagring at sinabi ang, “Ma’m..please wait. I do not mind if you do not pay me, I just want you to know what I did for two weeks.”
Habang pumapatak ang luha ay mahinahon niyang sinabi ang mga ginawa niyang paglilinis sa bahay. “I cleaned the house up-side-down,” sabi niya. “From the ceiling lamps, the walls, air- conditioner covers and filters, and I even washed the curtains...”. Hindi pa daw siya tapos magsalita ay nahiya na ang amo.
Bumalik ito sa kuwarto at ibinigay na ang kanyang buong suweldo. Lumuwag naman agad ang dibdib ni Lagring. Sadya daw kasing magulang ang amo sa pasahod. Katulad na lang daw ng kwentahan sa bayad ng arawan na suweldo o pro rata. Kapag si Lagring ang may utang na day-off ay divided by 30 days ang buwan, pero kapag ang amo ang may hindi pinagamit na day-off ay divided by 31 kaya mas maliit ang bayad sa kanya.
Sa inis ay sinabihan daw niya ang amo ng, “Ma’ m why not just divide it by 365/366 , na ang ibig sabihin ay yung bilang ng araw sa isang buong taon. Natigilan daw bigla ang amo bago tumango bilang tanda na tinatatanggap niya ang pagkakamali.
Dapat kasi ay 26 o 27 nga lang ang bilang ng araw na gagamitin sa isang buwan dahil iyon lang ang may trabaho ang isang katulong. Yung iba ay day off kaya hindi dapat ibilang.
Sa buwan ng Abril halimbawa, sa loob ng 30 araw ay may 5 Linggo, kaya dapat ay 25 lang nga ang dapat gamitin. Ibig sabihin, kung ang suweldo ay $4,310, divided by 25, dapat ang isang buwan na hindi inilabas ng isang katulong ay babayaran ng $172.40.
Ayon kay Lagring, hindi man umayon ang amo sa tamang kuwenta, dapat pa ring ipaalam para mapagtanto nila na ang kanilang ginagawang panggugulang. – George Manalansan