Isa pa, kahit nasa iisang building ay magkahiwalay ng tirahan ang kanyang amo at ang matanda, kaya bale dalawang bahay ang pinagsisilbihan niya. Lagi pang pinahihirapan ng matanda si Marly; lagi siyang kulang sa tulog at pagkain.
Pagkatapos siyang buhusan ng mainit na tubig ay sinubukan niyang magsumbong sa kanyang agency, pero ipinaabot lang nito ang reklamo niya sa matanda, kaya lalo itong naging maging mabangis. Nang sumunod na saktan siya ay hindi na nagdalawang isip pa si Marlyn na magpunta sa Philippine Overseas Labor Office para magreklamo at ipalagay sa watchlist ang amo.
Sinusubukan pa rin niyang magtiis ngayon dahil ayaw niyang matanggalan ng trabaho, ngunit hindi niya alam kung hanggang ano ang kaya niyang tanggapin. Natatakot din kasi siya na baka sa susunod ay mas grabe pang pananakit ang gawin sa kanya ng matanda.
Noong una ay atubili pa rin siyang magsumbong, mabuti na lang ay may nakilala siyang kapwa Pinay na nagbigay ng lakas ng loob sa kanya para magreklamo at ipaglaban ang kanyang karapatan. Si Marlyn ay naninilbihan sa dalawang bahay sa Tsing Yi at tubong Bulacan.
Dahil sa dalawang anak na nasa kolehiyo kaya nagtitiis si Marlyn. Gusto sana niyang matapos ang kontrata at nang sa gayon ay maluwag siyang makakahanap ng ibang amo pagkatapos. — Rodelia Villar