Hindi nakatanggi si Wilma dahil ang tiyahin ang naghanap ng amo para sa kanya sa Hong Kong Maayos ang naging usapan nila ngunit pagkatapos ng isang buwan ay hindi na nagbayad ang kanyang tiya kaya nagpadala ng sulat ang pautangan kay Wilma.
Sa sumunod na araw ng Linggo ay sinadya niya ang tiyahin upang sabihin na may dumating na paalala mula sa utangan at kailangan nang bayaran ang utang kundi ay tataas msyado ang interest nito.
Imbes humingi ng dispensa ay pinagmumura pa siya ng tiyahin at sinabi na wala siyang utang na loob. Umiiyak sa sama ng loob si Wilma dahil sa pagpapahiya sa kanya ng tiyahin sa harap ng kanyang mga kaibigan.
Dahil sa takot na materminate ay napilitan siyang magbayad ng utang na hindi naman niya pinakinabangan.Abot langit ang kanyang pagsisi sa pagpayag na maggaratiya sa utang ng isang manloloko na naturingan pa namang kamag-anak niya.
Si Wilma ay dalaga at tubong Samar na nagtratrabaho sa pamilyang Intsik at Hapon sa HK Park View. - Ellen Asis