Pero kakaiba si Jona dahil hindi niya pinaghahandaan ang kanyang buwanang dalaw, kaya kung kani-kanino na lamang siya nanghihingi ng napkin kapag dinatnan siya. Tuloy, halos nahiraman na niya lahat mga nakikilala niya na nakakasabay sa pagpastol ng alagang aso.
Mahilig din daw siyang manghiram ng tag $20, at lahat din ay nahiraman na.
Mabuti na lang at nagbabayad naman kapag naalala siyang singilin, pero kapag hindi pinaalalahan ay no pansin siya sa lahat, at nakatutok na lamang daw ang mukha sa telepono niya.
Kapag may kailangan naman ay kusa siyang lumalapit at namamansin, kaya kapag nakikita na siyang parating ng ilan ay agad siyang iniiwasan dahil baka hihiram na naman ng napkin o kaya ay $20. Si Jona ay nagmula sa Maynila, may asawa at anak, at malapit nang matapos ang kontrata sa mga among Intsik sa Taipo. – Marites Palma