Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paggawa ng longganisa, tocino itinuro ng CARD

10 April 2018

Ipinakikita ng mga dumalo ang nagawa nilang longganisa.

Ni Cecil Eduarte

"Ang sipag at tiyagang matuto ng kaalaman pangkabuhayan ay susi sa pag-abot ng mga mithiin sa buhay."

Alinsunod sa mithiin nito na makatulong sa buhay pinansyal ng mga migranteng manggagawa ay muling nagdaos ang CARD HK Foundation ng pagsasanay pangkabuhayan noong ika-18 ng Marso sa Bayanihan Centre sa Kennedy Town.

itinuro ng kanilang mga trainors na sina Stela Agtarap at Phamela Agbao ang paggawa ng longganisa, at sina Emilia Dellosa at Rechelle Montoya naman para sa tocino.Halatang patok na patok ang tema ng pagtuturo dahil umabot sa 191 ang bilang ng dumalo.

Ayon sa mga trainor ang mga pagkaing ito ay dinala sa Pilipinas ng mga mananakop na Kastila mahigit isang siglo na ang.nakalipas.

Ang longganisa ay popular na pagkain sa Espanya, na kung saan ay tinatawag itong chorizo, isang "fermented at cured meat" na isinilid sa malinis na maliliit na bituka ng baboy.

Popular din ang longganisa sa iba't -ibang bansa tulad ng Portugal kung saan ang tawag dito ay chourico, sa Malaysia kung saan kilala ito bilang satay o sate, at lap cheong o lachang naman sa bansang China.
Abala ang mga trauinors sa pagpapakita ng paraan ng paggawa ng longganisa at tocino.

Ayon kina Agtarap at Agbao, mayroon ng ibat-ibang flavor na gamit sa longganisa, kaya mayroon sa kanilang manamis-namis, maasim-asim, o medyo maanghang. Puwede na ring gumawa ng "skinless longganisa" gamit ang cling wrap bilang hulmaan.

Ayon sa isa sa mga nagsanay na si Maria Alves Apostol, hindi na siya alinlangan na sya gawing negosyo ang longganisa at tocino dahil sa mga natutunan.

Ayon naman kay Aprilyn Milo, masaya siya sa kanyang natutunan dahil pwede na nyang ipagluto ng mga ito ang kanyang asawa at anak pag-uwi nya.

Nagpasalamat din si Lilibeth Joy Mendoza at iba pang kasali  sa CARD sa mga programang ibinibigay nito sa manggagawa at sa mga trainor  na walang sawang ibinabahagi ang kanilang kaalaman.

Magkaroon muli ng pagsasanay pangkabuhayan ang CARD HK sa ika-10 ng Hunyo, Linggo; at sa ika-23 ng Hunyo na isang Sabado.

Sa mga gustong dumalo, tumawag sa telepono 95296392 o 54238196.

Don't Miss