Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mura nga, palpak naman

06 April 2018

Nagkamali pero natuto si Rudy, 42, Ilokano, matapos makabili ng cell phone sa Shamsuipo na hindi niya napakinabangan dahil naka sim lock..

Tuwang tuwa pa naman siya dahil nabili niya ito ng 40% sa presyo ng bago. Mura daw kasi, kaya lang sa bandang huli siya ang nagmura.

Dahil excited siya ay hindi na niya naisipang ipa testing, at hindi pansin na sa lapag lang nagpuwesto ang tindero. Kaya pagbalik niya ay wala na doon ang pinagbilhan. 

Ayaw naman niyang ipa unlock ang sim at mahal na raw. Ayon sa isa niyang kaibigan na kinuwnetuhan  "Dapat isinaksak mo ang sim card sa harap mismo ng nagbenta," payo nito sa kanya.

Ngayon ay hindi na maiiisahan si Rudy.  Kapag bumibili siya ng gadget ay tinetesting muna niya at sinisipat mabuti. Kung cellphone ay kinokonekta niya sa kanyang wifi gamit ang hotspot. Lagi na rin siyang may baon na power bank para masiguro na nag cha charge ito ng mabuti. Bukod dito ay kinabisado niya ang mga bagong sistema.

Ang binibili niya ay iyong hindi lalampas sa isang taon ang operating system at malaki ang memory para mas maraming ma-store na data. Dapat din ay walang mga gasgas o crack para magamda pa ring tingnan kahit gamit na.

Kahit walang guarantee, sigurado namamg subok na daw nung unang may-ari ang kalidad ng telepono.

Nakakatuwaan niyang bumili ng mga gamit na telepono dahil karamihan ay mga bago pa dahil mahilig magpalit ng gamit ang mga taga Hong Kong. Angkop din ito sa mga bata pa na hindi pa maingat sa gamit. Karamihan sa mga binibili niya ay pinapadala sa mga kaanak sa Pilipinas, o hiling ng ilang kasamahan sa trabaho. Bale naging libangan na rin ito ni Rudy —George Manalansan

Don't Miss